oh, tutal alam na natin na si ryza cenon this may, eto ang scoop na bago, si jennylyn mercado ay magpipictorial ulit next month para sa fhm.......
Bukod sa blooming ay seksi-seksihan ngayon si Jen. Kaya hindi kami nagulat nang sabihin niya sa aming next month ay may pictorial siya for FHM.
Hindi niya pa sure kung anong buwan lalabas ‘yon, pero ito na pala ang third time niya to pose with FHM.
“Pinilit ko sila (mga taga-FHM) na, ‘Huy, sige na! Dali na!!’ Joke!! Ha! Ha! Ha!
“Nag-offer, eh. Bakit mo tatanggihan, ‘di ba? Push natin habang kaya pa! Ha! Ha! Ha!” tawa ng hot momma.
Alam din ni Luis ang tungkol doon at wala itong tutol sa g@g@wing bagong FHM pictorial ni Jen.
Dahil busy sa trabaho ay wala raw time mag-workout si Jen. Pero sa pagka-hot niya ngayon ay hindi na niya kailangan pa ‘yon.