PALAISIPAN sa amin ang ginagawang pagde-deny ni Vanna Garcia sa balita na nanganak siya. Nakita ng Showbiz Central staff ang hospital records ng dating FHM cover girl at Viva Films contract star na nagpapatunay na nagsilang siya ng isang healthy baby boy noong April 26, 2007.
Pinatotohanan din ng medical director na na-confine si Vanna sa VIP room ng ospital.
Filipino-Chinese ang ama ng bata at siya rin ang nakapirma sa medical records ni Vanna at ng anak nito.
Pinabulaanan ni Vanna at ng kanyang boyfriend sa mga kakilala nila na may anak na sila.
Sinubukan ng Showbiz Central staff na kunin ang panig ni Vanna pero tumanggi ito. Wala raw siyang pakialam sa mga naglalabasan na balita na nanganak na siya.
Kakaiba si Vanna sa mga babae na kilala namin na ipinagmamalaki ang pagkakaroon ng anak. Kahapon ang Mother’s Day. Paano babatiin ng Happy Mother’s Day si Vanna kung in denial siya?
http://www.abante.com.ph/issue/may1407/main.htm Jojo Gabinete
--------------------------------------------------------
After Julia Clarete and Tanya Garcia, now it seems that Vanna Garcia too... 