Jun Lalin
NAKATSIKAHAN ko kahapon si Assunta de Rossi at naikuwento niya sa akin na ready na siyang tumanggap uli ng regular TV series ngayong tapos na ang eleksiyon.
During the campaign period kasi, maraming offer sa TV si Assunta, pero hindi matanggap ‘yon ng manager niyang si Annabelle Rama dahil bising-busy ang aktres sa pagka-campaign sa mister niyang si Cong. Jules Ledesma.
Naipangako ni Assunta sa kanyang mister na wala siyang tatanggaping regular TV show sa panahon ng kampanya.
Worth it ang paggi-give-up ni Assunta sa mga offer sa kanya sa TV dahil more than 94% ang nakuhang boto ng mister niyang si Jules at na-re-elect itong congressman ng first district ng Negros Occidental.
Noong Mayo 13 ay naiproklama na si Jules, pero hindi pa raw sila nagse-celebrate ng kanyang mister. Ang ginawa lang daw nila ay umuwi sa condominium unit nila sa Ortigas Center, Pasig City.
Niregaluhan ba siya ni Jules after the elections?
“May surprise gift si Jules sa akin, pero secret lang ‘yon. Ayoko nang ikuwento kung ano. Pero ‘yung celebration, hindi mahilig sa ganoon si Jules.
“Mas nagpahinga kaming dalawa dahil sobrang pagod noong campaign,” sabi ni Assunta.
Dapat ay aalis sila ni Jules papuntang Amerika sa katapusan ng buwang ito para dumalo sa isang wedding, pero hindi na raw matutuloy ang kanilang pag-alis.
Instead, nagpaplano sila ng bakasyon mula Hunyo 10 hanggang 15.
“Pero hindi na abroad. Dito lang kami sa Pilipinas magbabakasyon. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta ni Jules, pinaplano pa lang kasi.
“After that, balik-showbiz ako. Wala namang problema kay Jules ang pag-aartista ko,” sabi ni Assunta.