Medyo OK ngayon tong issue na to compared dun sa past issues niyo ngayong 2012. Medyo maganda yung articles tulad dun sa Danger Zones saka yung UAAP and NCAA (sana ginawa niyo tong isang main article). Yung featured jokes and true stories, parang papanget ng papanget every month.

OK rin na fineature niyo si Jahziel Manabat and Nathalie Hayashi. Di ko alam na nag-aacting workshop pala si Jahziel sa Abs-Cbn. Dun naman sa Cover, di ko masyadong type. Parang hindi bagay pang-cover yung picture ni Jackie dun eh.

Pinanindigan niyo na talaga yung paglagay ng color dun sa gilid nung mag.

Naiimagine ko na kung anung kakalabasan nun pag dumami. Tas gumagamit pa kayo ng pang-rainbow na color fonts dun sa FHM. Pero OK naman atlis bago na yung nilalagay niyong kulay, unlike before na puro red, yellow, gray. Siksik din siya kasi 184 pages.
Dun naman sa concept, OK kasi bago sa mata naming readers, kaya lang di ko type.

Para kasing pang-BAR yung dating eh, hindi bagay kay Jackie Rice. Tas masyadong naging payat si Jackie. Para tuloy natuyot siya, tas nagmukhang matanda na. Sana pinataba niyo muna siya

.
Tas habang binabasa ko yung 100 sexiest booklet, yung picture ni Arianny Celeste, maganda kasi hindi edited. Di tulad nung ginawa niyo dun sa May Issue niya na sobrang edited.
8/10