BANDITS
Elmore Leonard
“Crime, tol. Pero si Elmore Leonard, panalo siya, kahit ano sa libro niya wala kang itatapon. Tungkol siya sa mga small-time hoodlums, networking ng mga nasa ganyang klaseng mga peeps. Si Elmore Leonard lang yung kayang magmura sa fi rst word ng nobela. First two words pa ang: Fuck you."
FILTH, CRIME
Irvine Welsh
“Mga eight times ko ito binasa—yung Filth. Tungkol siya sa isang pulis na sick: sobrang
libog niya, common sa kanya yung police brutality. Talo lang yung bida sa huli. Pero niredeem
naman yun ng karugtong na novel, ito yung Crime na kwento ng isang character na galing sa Filth. Pedophilia shit. Pulis din yung bida rito pero unlike dun sa character sa Filth, na-abuse siya nung bata siya, tapos kaya siya nagpulis para maparusahan yung gumawa nun sa kanya. All his life, hinahanap niya yung nag-molest sa kanya nung bata
MICROSERFS
Douglas Coupland
“Tungkol sa corporate culture. Yung mga characters, programmers ng Microsoft. Dude, gaano ka-exciting ang buhay ng programmer? Nagawa niya yung exciting, kaya siya magaling. Ako kasi ayoko ng hina-hype yung geek. Di ba meron tayong mga geek stereotypes, kailangan palaging nire-reference yung Star Trek. Yung Big Bang Theory ginagawa yun, hina-hype nila yung geek. Pero dito, walang ganun, kuwento lang tungkol sa relations ng mga peeps na puta, most of the time nag co-code. Ano pa mas geek dun? Ang galing.”
PROCESS, INSPIRATION AND PRACTICE FOR THE NEW MEDIA DESIGNER
Hillman Curtis
“Si Hillman Curtis, diyos siya ng mga web designer. Pero ang maganda sa libro na ‘to tuturuan ka niya how to handle clients in line with pagpapakaartist mo, in such a way na win-win yung
situation. Hindi niya i-e-explain how to do that, pero as you read him, yun yung magiging e ect sa’yo. Nagkukwento rin siya ng mga experiences niya. Mga cliente niya ‘tol—Adobe, Yahoo. Dati siyang creative director ng Macromedia, ngayon wala na kasi nag-merge na sa Adobe, pero nagtayo siya ng sarili niyang firm: hillmancurtis.com.”
HAROUN AND THE SEA OF STORIES
Salman Rushdie
“Si Haroun, oral storyteller siya, pupunta siya sa plaza para magkuwento, maraming makikinig.
Ganun ka-wasak yung storytelling nung araw. Tapos one day tinanong siya ng anak niya, ‘What’s the point of stories if they’re not real?’ Hindi niya masagot. Pagpunta niya sa plaza wala na siyang maikwento. Sising-sisi yung anak sa nagawa niya sa tatay niya. Tangina wasak si Rushdie. Kilala mo asawa niya? Hiwalay na sila. TNL yun eh.”
THE LITTLE RED BOOK
Mao Tse Tung
“Nabasa ko karamihan sa Red book kasi tibak nga ako dati, pero hindi lahat. Di ko alam kung isasama ko siya sa list. Pero kasi iba si Mao. Yung wisdom ni Mao… nag-uumapaw. Rhyme yun tol!”
GODFATHER
Mario Puzo
“Alam mo, fuck the movie, everybody has to read the book. Wasak yung book.“
ETSA-PUWERA
Jun Cruz Reyes
“Nung tibak ako, siya binabasa ko kasi may mga tibak books siya. Na-inspire ako pare,
tataas yung morale mo pag binabasa mo siya. Nadya-justify niya kasi lahat ng ginagawa
mo. Yung tipong: Pamilya? Fuck them, The revolution, this is more important. Fuck
everybody—higher calling. Yung epekto lang ng sinusulat niya, mawawasak ka talaga. Ang
hirap i-categorize basta masasakyan mo lang yung shit niya. Binura niya yung distinction ng fiction and non-fiction sa isang swabeng paraan, tapos sa Filipino. Ang galing."
CHESAPEAKE
James Michener
“High school yata ako nun tapos sabi sa akin ni erpats, ‘Manny, may papabasa ko sa’yo…’ Bestseller kasi hilig ni erpats, pero grabe yung literary aesthetic. Panalo, ang sarap basahin. Andaming historical shit, tapos hinahalo niya yung mga characters niya dun. Pero nilalagay naman niya sa huli kung ano yung fictional para alam ng nagbabasa.”
ALIWAN KOMIKS
Graphic Arts Service, Inc.
“Nung bata yung lolo ko nagpapa-renta siya ng komiks, pag may bago nakikibasa ako. Aabangan mo talaga kasi serialized. Maraming kwento: may kaunting action, may kaunting pag-ibig. Kung sa pelikula, B movie yan e. Digs mo? Panalo yung mga dialogue, pop culture talaga yung orientation. Wala nang ganyan ngayon.”