INTERVIEW BY: GELO GONZALES
November 26, 2009 | 7268 views
You are very freaky. Let’s talk about something less hair-raising. Do your mind-reading skills help in your relationships with a girl?
Mas nakakatulong pero naisip ko if I’m in a relationship, parang ayoko gamitin kasi parang madaya.
I try to be as normal as possible. Pero pag desperate times na, doon ko na siya gagamitin. We’re interested in those skills; can you give us a primer on how to read minds and body language?
Go out a lot. I people-watch. Uupo lang ako sa isang tabi, titignan ko yung mga tao, iisipin ko kung ano yung mga iniisip nila. Ganun lang.
Secondly, read a lot of books, especially psychology books and those about body language. What I’m doing is basic psychology, done through magic and entertainment.
You’ve also told us about your advocacy for teens, and helping them through magic. Can you tell us more about that?
Una ko talagang naisip turuan ng magic ay yung mga gangsters. Gusto ko mabago yung views nila. Kaya naisip ko turuan ko sila mag-magic, para makaiwas sila sa violence. Imbis na mga guns hawak nila, cards na. Ang problema kasi sa mga gangsters, kulang sila sa pansin. Eh pag natuto sila mag-magic, mapupunta lahat ng attention sa kanila, because what they’re doing is extraordinary.
Kaya lang natakot naman ako hanapin yung mga gangsters. Kaya ang second choice ko yung mga galing sa rehab centers. Pag naturuan ko sila mag-magic, pag labas nila sa rehab, cards at magic na ang hawak nila imbis na drugs. Malilipat yung attention nila sa mas maayos na bagay. Lastly, mabibilib pa yung mga parents nila and mga friends nila.

so ginawa ka ba niyang chicken?