Chat with Maria Cafra

INTERVIEW BY: KHYNE PALUMAR
PHOTOS COURTESY OF MARIA CAFRA


November 12, 2009   |   5065 views

Resty was swigging beer bottles between every other song, can you play without it?
Resty:
Wala naman yatang artist na hindi umiinom. Ha ha! Di ba?

Yung iba nga drugs pa, pero ako hindi na kailangan, beer lang. Four to five bottles ayos na, pero si Rolly, hindi yan umiinom.

Rolly:
Ako basta naririnig ko yung tempo saka yung indak, masaya na ako dun, hindi ko na kailangan ng kahit ano, yung stage lang at saka yung mga tao.

What kind of music do you have a hard time appreciating?
Resty:
Yung mga hardcore, yung parang may pinapatay na baboy.

Rolly:
Ako ganun din, yung mga hindi maintindihan na magugulo, yung walang tempo.

Dennis:
Saka yung paulit-ulit na chords, paulit ulit na lyrics na hindi mo maintindihan kung ano gusto nilang sabihin kahit ilang beses nilang ulit ulitin na parang: gusto kong mamatay, gusto kong mamatay, edi mamatay ka na diba?

Rolly:
At saka yung mga lyrics na pinagkakasya sa isang kulong na ang ddouble time yung salita, parang pilit ba.

Resty:
Ewan ko siguro music nila ngayon yun, pero para sa akin, hindi magtatagal yun, hip-hop okay lang sa akin, pero minsan kasi may mga bayolenteng undertones din yan. Hindi naman sa pagiging purista, pero napapansin ko kasi yung music ngayon may kakulangan din. Ang akin lang kasi, pinipilit ko pa din yung composition na may tono at saka may ibig sabihin, kase maraming lumalabas ngayon na kulang sa tono, kulang sa arrangement tapos pilit na pilit, maski sa chords, kulang. Basta masabi lang na may composition.

Dennis:
Masabi lang na banda ako.

Page : 1 2 3 4 
Tags : opm, pinoy, rock,


COMMENTS
Username
Email Address
Website
Security Image Security Image [change]
 
 
  NOTE: FHM.com.ph is a CLEAN ZONE. Editors reserve the right to delete obscene comments.
Filter comments by:
  • Be the first one to comment...
Filter comments by:
 
4.6
Article Rating: 4.6 out of 5 | Number of Votes: 5
Click on the stars to rate :