Efren "Bata" Reyes
October 27, 2006



But you’re coming from two straight victories; surely you can feel some kind of momentum going on?
Alam mo kapag nananalo ka nagkakaroon ka ng confidence, lalung-lalo na kapag nagsimula ka sa pangit ang tira mo tapos paganda ng panganda. Yung ngang iba maski masama ang tira nananalo pa, mas lalong magiimprove ka pa, mas mababatak ka pag lagi kang panalo.

You’re a veteran of so many years, how do you prepare for a tournament as big as this?Y
Lagi naman ako nakahanda para sa mga ganyan, lahat naman ng Filipino, kahit sa ibang bansa pinaghahandaan itong World Pool Championship. Lalo na ngayon na paikot-ikot na kami, nababatak kami ng husto. Ang kailangan mo lang naman, kung mageexcersie ka yung maglalakad ka lang. Tapos laro ka lang ng laro para nandun lang yung kumpiyansa mo, para pagdating ng tournament reading-ready ka na. Dati nga kaya ko pa maglaro ng 24 hours, bata pa kasi, hangga’t me makakalaban ako, naglalaro ako. Pero sa ngayon kung magensayo ako ng tira mahaba na yung dalawang oras sa isang araw. Kasi minsan nakakasawa rin, kailangan rin kasing medyo feel mo yung paglalaro’t pageensayo para me gana ka. Pero maganda rin sa taong ito e bago pa nga dumating itong World Pool nagkaroon pa ng iba’t-ibang tournament dito sa atin kaya kami sali lang ng sali para hindi mawala yung tira namin. Maganda rin yun para dun sa mga iba pang Filipinong manlalaro kasi tuloy tuloy rin yung laro nila.

Is having it held here really plays up to our advantage?
Oo naman. Nung isang taon nakita naman nating nakapagpabuti dun sa mga tiga-Chinese Taipei yung pagganap ng World Pool sa kanila. Dalawampung katao yung naglarong tiga-kanila, nahiwahiwalay pa sila sa iba’t-ibang grupo kaya hindi sila masyado nagkatapat-tapat at yun na nga, isa sa kanila ang nanalo. Ngayong dito naman sa atin ito gaganapin tingin ko makakalamang din tayo, kasi bukod sa dito gagawin yung World Pool, dito na rin ginawa pati yung qualifying rounds at tiyak na maraming Filipino ang makakapasok. At dahil nga maraming magagaling na Filipino ngayon, maaaring maikalat din tayo sa iba’t-ibang grupo para naman at least pagdating ng final mayroong Filipinong lalaban. Isa pa atin ang audience, maraming susuporta sa atin.
Page : 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 

RELATED ARTICLES

  • Read Comments
| More
4.57
Article Rating: 4.57 out of 5 | Number of Votes: 23
Click on the stars to rate :
 

More Articles

Summit Media