Efren "Bata" Reyes
October 27, 2006   |   9676 views


But still there are some who speculates that having the home court might not serve us very well.
Well, ang pinakatalo lang natin dito eh kapag kinapitan tayo ng nerbiyos na hindi natin kayang-kaya. Marami nang mga tournament na nakakauna nga ako pero nasusulot sa huli, nakakakaba rin kasi yang mga tournament na ganyan kasi puro para sa bayan ang pinaglalabanan. Tapos magpapangabot pa yung iba’t-ibang nerbiyos, meron yung sa tao mismo, maliban pa yung sa perang mapapanalunan, pero ang mas malakas nakakanerbiyos talaga diyan e yung nahihiya ka. Ang kailangan mo lang naman tandaan e yung kung anong kailangan momng gawin para manalo, at dapat yung tira mo kapag normal at ninenerbiyos ka e pareho lang.

We’ve wanted to pick your brain for the longest time, what goes through your mind when you’re playing billiards?
Hindi ko iniisip na yung kalaban ko e magaling. Ang iniisip ko eh yung kapag ako na yung tumitira eh dapat huwag ko nang papakawalan. Kailangan di ko na siya patirahin, lagi lang dapat siyang nakaupo. Kasi ang 9 balls nasa break ang labanan, kaya kapag nakauna ka na mahirap ka na ring talunin. At kapag naglalaro ako bilyar lang talaga ang nasa isip ko, wala nang anu-ano pa. Kapag nanalo na saka ko na iniisip kung ano gagawin ko sa panalo. Ha ha!

You’re the best at what you do; but tell us, how do you come up with those amazing shots?
Simula nung bata kasi ako nageensayo na ako, marami rin akong napanood na magagaling. Nakita ko sa kanila kung paano ang gagawing technique. Dun pa lang kinukuha ko yung mga bagay na ineensayo ko mula nung bata ako. Kaya habang naglalaro, nasa isipan mo pa rin lahat ng tirang yan, di mo makakalimutan yan. Pero dahil gusto ko pa ring madagdagan yung dunong ko, inaalam ko kung paano ba ginagawa yung iba pang tira, minsan kasi me mga tiga-ibang lugar na magaling na pwede rin nating pagkuhanan ng mga tira. Dapat kasi yung dunong mo lagi mong dinadagdagan, hindi kasi porke’t magaling ka e hanggang doon ka na lang. Baka mamaya isang buwan ka lang natigil maglaro e makalimutan mo na lahat ng tira. Lagi mo dapat iisipin na kailangan mong matuto.
Page : 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 

RELATED ARTICLES

COMMENTS
Username
Email Address
Website
Security Image Security Image [change]
 
 
  NOTE: FHM.com.ph is a CLEAN ZONE. Editors reserve the right to delete obscene comments.
Filter comments by:
  • Be the first one to comment...
Filter comments by:
 
4.59
Article Rating: 4.59 out of 5 | Number of Votes: 24
Click on the stars to rate :