Efren "Bata" Reyes
October 27, 2006
Will you ever wear one again?
Wala na, ayoko na. Itinapon ko na nga sa inidoro ng eroplano ng Northwest para di ko na maisuot eh.
Ha! We’ve also noticed that you’ve developed quite a few mannerisms, like your kamot sa ulo expression.
Ginagawa ko yan kapag sablay ang tira ko, nakakahiya kasi sa mga tao kaya napapakamot ka. Kasi minsan, kahit sino tumira nun, kahit na di-magaling, kayang ipasok, ako namintis ko kaya nahihiya ako. Kala nung iba ganun-ganon lang yun, tumatawa pa nga sila, di nila alam nahihiya na ako pag ganun. Minsan din napapasayaw ako kapag nakakaswerte sa bola, pero di talaga ako nagsasayaw ha, nagkocomedy lang ako noon. Ha ha!
As you’ve said, there are a lot of young good Filipino players right now. Aren’t you threatened by them?
Hindi ako natatakot na maangatan ako ng mga batang gumagaling, ang gusto ko nga mas dumami yung magagaling para marami akong makalaban. Challenge rin yun para sa akin. Saka kapag marami rin yung magagaling dadami rin yung mga competition dito sa atin, di na naming kailangang lumabas pa ng bansa para lumaban, dahil trabaho rin namin yan.
RELATED ARTICLES
MOST READ ARTICLES
- Email to a friend
- Read Comments


Comments