Efren "Bata" Reyes
October 27, 2006
Has any of them ever asked you for tips on how to play?
Paminsan-minsan nagtuturo ako kapag me nagpapaturo sa akin, pero sandali lang. Hindi rin ako pwedeng magturo nang magturo kasi busy pa ako eh. Hindi rin sila matututo sa akin, makakalimutan lang nila yun. Kapag nagretiro na ako saka na lang siguro ako magtuturo ng full-time.
But if someone had the balls to challenge you to a game, would you obliged?
Bakit hindi, yung nga yung magandang ensayo yung lalabanan mo lahat eh. Saka paano nila malalaman yung galling nila kung di nila isusubok sa akin.
Next to Django and yourself, is there any Filipino player we should be looking out?
Marami nang magagaling na Filipino ngayon, pero me dalawang bata talagang umangat ang laro, si Dennis Orcullo at Marlon Manalo. Parang ako nung araw panandalian lang bigla akong gumaling, sila ngayon yung ganito. Yung iba kasing player umaangat din sila pero paunti-unti pero itong dalawa bigla eh. Dati kapag nilalabanan ko yang mga yan, malalaki ang partida nila sa akin, ngayon patas na kami maglaban, gustong-gusto na nga nila akong makalaban eh, tinatalo na nga nila ako eh.
RELATED ARTICLES
MOST READ ARTICLES
- Email to a friend
- Read Comments


Comments