Efren "Bata" Reyes
October 27, 2006 | 9691 views
Apart from the Fiipinos which players do you think we should be weary of?
Yung mga Amerikano at mga Chinese Taipei. Sa America siguro mga 80 merong magagaling diyan, sa Chinese Taipei naman mga 50 meron. Kung titingnan mo parang parepareho ang dunong nila. Kung ang madalas na manalo ang mga Filipino susunod na diyan ang mga tiga-Amerika at Chinese Taipei.
You’re idolized by millions of pool aficionados, but have you ever idolized anyone in the billiard circuit?
Isa lang ang naging idol ko sa bilyar, si Mike Segel, hinangaan ko talaga yung tira niya. Nung nagsimula akong dumayo sa America, nakita ko na bihira talaga siyang sumablay, kung sa pocketing lang di-hamak na mas magaling siya sa aming lahat nung araw. Pero huminto siya maglaro nung 1995, ngayon na lang siya ulit lumalaban. Tingin ko nahihirapan na siyang ibalik yung dati niyang tira, kasi sampung taon din yung nawala sa kanya at medyo me edad na rin siya. Palagay ko di na kayang ibalik yung dating laro niya.
We also noticed that lately you’ve been staying a lot in the country.
Napapadalas na nga ako ngayon dito sa bansa, kasi marami na ring mga palaro dito sa atin saka sa Asia. Hindi katulad nung araw mahilig kaming dumayo kasi walang masalihan dito. Ang pinipili ko na lang kapag lumalaban ako sa labas eh yung malalaking tournament, kasi mahirap ding bumiyahe, gastos din yan. Sa bilyar kasi kapag natalo ka wala ka halos maiuuwi, me gastos ka pa, di kagaya ng boxing na manalo matalo ka pareho lang yung iuuwi mong pera.
RELATED ARTICLES
MOST READ ARTICLES
