Efren "Bata" Reyes
October 27, 2006 | 9672 views
When you do are outside the country, say Las Vegas, do you still have the time to unwind?
Wala naman kasi akong hilig sa good time na yan. Palagian nasa hotel lang ako, kapag me bar dun na lang ako pumupunta. Minsan kapag naiimbitahan ng mga Filipino dun sumasama naman ako, nagkakaraoke kami.
Karaoke! And what do you usually sing?
Yung mga old songs na alam ko siyempre, di ko naman kasi alam yung mga kanta ngayon ng mga bata eh. Saka kapag nagkakantahan kami kala ko magaling ako kumanta, kasi nakakasunod naman ako ng tama pero simula nung narinig ko yung boses ko sa pelikula kong Pakners, ayaw ko nang kumanta. Ha ha!
Speaking of that movie, you starred opposite the late great FPJ, can you share with us the relationship you shared with “Da King?”
Dati ko na siyang idol, singko anyos pa lang ako napapanuod ko na siya. Sa bilyaran ko rin yan nakilala, dati kasi noong nagshooting siya inaantay talaga niya ako pumunta para nga maisama niya ako, di pa ako sikat noon pero naririnigrinig na daw niya yung pangalan ko. Kaya nga kahit ayokong magpelikula, noong niyaya niya akong gawin yun Pakners eh pumayag na rin ako.
RELATED ARTICLES
MOST READ ARTICLES
