
Article Rating: 3.64 out of 5 | Number of Votes: 14
- Email to a friend
- Read Comments
PHOTOGRAPHY BY XANDER ANGELES, RENE MEJIA, EDWIN TUYAY
INTERVIEWS: JENINA F. ALLI, ANDREW A. ASUNCION, ALLAN P. HERNANDEZ, CHRISSY D. ICAMINA, JASON MARIANO, ALEX C. PAITA, PAUL C. VILLARIBA
STYLING: AMADOR MADAMBA, ADRIENNE BENEDICTO, JENINA F. ALLI;
MAKEUP: AJ BAGUIO, KATHY CALDERON, BARBI CHAN, TONETT CHUA, KIKO ESCOBAR, EFFIE GO, IEA GUTIERREZ, DANI LIM;
ROCHELLE PANGILINAN
Physically, what do you look for in a guy?
Gusto ko ka-tipo ni Bossing (Vic Sotto). Ang saya-saya ni Bossing, eh, ang tangos pa ng ilong. (giggles) Pero yung malakas talagang maka-attract sa akin yung maputi, guwapo kahit na di gaanong malaki yung katawan. Basta mukhang tao, charing! Ha ha! Dapat neat tignan at mukhang mabango.
What do you do or say to a suitor who isn’t your type?
Hirap ako magsalita sa lalaki nang hindi siya masasaktan. Hindi ko maumpisahan kung paano ko sasabihin na hindi ko siya gusto. Pinapabayaan ko na lang yung sitwasyon. Bahala na siya para maramdamang di ko siya gaanong gusto.
Where are you most ticklish?
Marami, ha ha! Pag hinipan lang ako sa batok, nakikiliti na talaga ako. Madalas din sa may tagiliran. Nabibitawan ko talaga iyong mga dala ko pag kiniliti ako dun. Marami pa talaga akong kiliti—sa hita, sa paa.
EVETTE PABALAN
Seeing how dizzyingly busy you are with rackets everywhere, how much money do you have in the bank?
Secret, ha ha ha! Ang dami ko rin kasing gastos, eh. We’re renting a house, and my family depends on me because I’m the breadwinner.
Will you be our next bold star soon?
(Aghast) Naku hindi! Eh wala naman akong ipapakita, ‘no! Siguro as a solo singer p’wede pa. That’s actually a plan I might consider in the near future, pero pagbo-bold, hindi. I have other talents to show!
IZZY TRAZONA
Has your boyfriend ever requested a private rendition of Spageti?
Ha ha ha! Hindi! Nandun naman siya sa mga shows namin, so lagi na niyang napapanood iyon.
Good thing he didn’t ban you from gracing our pages!
Ay hindi! Sex Bomb na ako nung nakilala niya ako. And alam niyang na-feature na rin kami sa FHM dati. Minsan nga lang, nagseselos siya. Kunwari, sa taping, ayaw niya ng mga loveteam—kasi sa Daisy Siyete magkaka-boyfriend yung character ko. Hindi naman pwede magselos kasi part naman ng kuwento yun. Pero sa kabuuan, sobrang understanding niya. Kahit hindi kami palaging nagkikita, okay lang sa kanya.
JOPAY PAGUIA
How do your fans react when they see you?
Natutuwa naman sila. They often say, “Ang liit pala ng mukha niya sa personal, ang payat, hindi pala malaki ang hita!” Ha ha! I just keep thanking them for all the positive comments.
Has the “Otso-Otso” fever dampened your popularity in any way?
Sa amin naman, okay lang yun. Sa amin, ayaw namin mag-compete kasi pare-pareho kami ng mga Gee Girls na nagtatrabaho. Kailangan din ng pamilya nila. Pag nagkikita nga kami, okay lang, walang dedmahan.
Don’t you get sick of hearing your songs practically everywhere you go?
Ha ha! Minsan maririnig namin yung “Spageti,” parang, “Hay, kakakanta lang natin kagabi niyan ha!” Pero siyempre happy kami dahil kanta namin yun.
MONIC ICBAN
You ranked 49 in last year’s 100 Sexiest Women in the World poll. How’s that?
Nakakagulat at nakakatuwa para sa akin kasi ang daming sexy sa mundo. Sa Sex Bomb pa lang ang dami nang kakumpitensiya. Friendly lang siguro talaga ako, or maybe the people like my singing voice.
How do you see yourself after your Sex Bomb career?
I want to have my own business. Or if I still have time, I’ll study Human Resources Management.
WENG IBARRA
What kitchen specialties can you whip up?
Sinigang. Favorite ko kasi yun. Sinigang na baboy, o kahit ano, basta maasim. Tapos yung ginagamit kong pampa-asim, yung sampaloc talaga, hindi instant. Kahit araw-araw kong ulamin yun, okay lang!
What do you look for in a migraine-free love life?
Huwag akong masyadong sasakalin. May iba kasi na sinasabing naiintindihan nila ang work namin, pero pagdating na dun mismo hindi na nila napapansin na nasasakal na pala nila kami. And siyempre gusto ko stable na.
JOANA ORBETA
Are you a fan of long-distance relationships?
Siguro naman magwo-work yung relationship kahit magkalayo kami sa isa’t isa, lalo na kung matagal na kaming mag-on and we really love each other. Pero dapat palagi pa rin yung communication namin.
Is it a turn-off if a guy doesn’t know how to dance?
Not at all because there is always room for learning. Kahit parehong kaliwa ang paa niya, he’ll eventually learn how to dance. Lalo na siguro kung ako mismo ang magtuturo sa kanya.
JOHLAN VELUZ
How does it feel to be part of one of the most popular groups in the Philippines?
Siyempre proud ako. When we started out, hindi naman kami kilala. Ngayon, kahit saan ka pumunta, kilala ka ng tao. Minsan special din yung treatment sa amin.
What do you mean?
Minsan, nahuhuli ako sa color coding. If the cop recognizes me, I just say, “Pasensiya na po kayo, may show kasi kami.” Hihingi na lang siya ng picture, hindi na ako bibigyan ng ticket! Ha ha! Pero hindi ko palagi ginagawa yun, ha!
GRACE NERA
Has anybody from the Kurimaw ever made passes at you?
Uhm…meron din, pero I let them know that we’re just friends, okay lang naman sa akin that they’re around. I don’t have a boyfriend right now and I don’t think I’m ready for it, kasi masyado akong busy, kawawa naman siya.
What happens when all 20 of you are in a room in your knickers?
Masaya, maingay. Sanay na naman kami ng nagbibihis sa harap ng isa’t isa kasi nga mabilis ang mga costume changes namin. Noong una siyempre nakakailang, but yes, it’s fun!
JACKY RIVAS
With the popularity of the Sex Bomb Girls, do you find it hard to go out now?
Nakakalabas pa naman ako. Usually I do get recognized, pero humihingi lang naman ng autograph and picture. Okay lang naman sa akin, hindi naman masama yun. Madalas din may makulit na fans, pero patience lang naman ang kailangan. Maganda rin nga kasi nakikilala pala nila ako, so idol talaga nila yung Sex Bomb.
Ever hit an unruly fan?
In Cagayan de Oro, meron dun na harap-harapan na nambabastos! I felt his hand on my butt, and when I looked, nakatingin pa siya at nakangiti. Sinapak ko talaga siya! Tapos sinumbong ko sa guard. Ayun, binugbog tuloy siya ng mga sundalo dun!
CHECHE TOLENTINO
What’s the most terrifying experience you’ve had with the group?
Two years ago na-stranded kami sa isang madilim na lugar, I can’t remember the name of the place. We were on the way back home from a show, then nasiraan yung passenger bus na sinasakyan namin! Kailangan naming makabalik agad sa Manila kasi may show kami the next day. So naki-hitch na lang kami sa isa pang passenger bus. Dun kami natulog sa gitna, sa nilalakaran ng tao!
Where do you want to be touched by a guy?
Hands and chin. Gentleman ang dating. Lalo na pag inaalalayan yung kamay ko.
AIFHA MEDINA
You’re one of the newbies in the group. What was your life like before Sex Bomb?
Aside from being a schoolgirl, I was also a big fan of the Sex Bomb girls. Tuwang-tuwa ako no’n pag napapanood ko sila sa TV. Then sumali ako sa TeeVee Babe contest, I won the monthly finals. Joy Cancio got me in and dun nagsimula lahat.
Has your nine-month-old affiliation changed you?
Kung ano ako dati, ganoon pa rin ako ngayon. Totoong tao kasi ako. Wala akong ere sa katawan. Makikita n’yo pa rin akong namamalengke.
MAE ACOSTA
How much money do you have in the bank?
Sa ngayon wala pa talaga akong ipon because I’m helping my family out. The little that I have goes to shoes and clothes, of course, because I need them for the job.
Can you say in front of the 19 other Sex Bomb girls that you’re the prettiest of them all?
Ay hindi! Lahat kami magaganda rito. Hindi naman kami makukuha rito kung hindi, di ba? Ha ha ha! Each of us has her own unique beauty.
MIA PANGYARIHAN
How do you deal with rival dance groups?
Akala ng iba, magkaaway kami ng mga Gee Girls. Hindi totoo yun. Yung manager nila at manager namin friends din kaya wala talagang away-away.
How do you react to tsansing?
Magugulat ka na lang. Tapos hindi mo naman talaga malalaman kung sino mismo ang gumawa kaya kadalasan deadma ka na lang. Pero siyempre masakit din sa amin yun kasi nagsho-show lang kami at binibigyan namin sila ng kasiyahan. Sana igalang naman nila kami.
SANDY TOLENTINO
What, to you, are the disadvantages of your success?
Yung nahihipuan ka, although hindi talaga maiiwasan iyon dahil ina-idolize kami ng mga fans. Siguro sobrang tuwa nila, hindi nila nare-realize na nasasaktan na nila kami. Pero yung iba talaga, wala na sa lugar yung ginagawa. Iba na talaga yung intensyon nila.
You still have time for a love life?
Meron din pero siyempre trabaho muna. Sobrang hectic ng schedule namin minsan wala na kaming tulog. Kunwari pupunta kaming provincial show, kung dumating kami sa Manila nang umaga, derecho na kaming Eat Bulaga. Hindi na nga ako nakaka-gimmick!
MARIAM OBAIDI
Ever considered pursuing an acting career?
Why not, kung may offers? Pero sa ngayon, dito muna ako sa Sex Bomb and after ng contract ko dito, pwede namang subukan yung ibang bagay. But as long as kailangan ako ng Sex Bomb, sa Sex Bomb pa rin ako.
What do you look for in a guy?
Hindi ko pa iniisip yun. Kasi nung nagsimula ako rito sa Sex Bomb, talagang nakatanim na sa utak ko na work, work, work. Ang sa isip ko lang ngayon is pagbubutihin ko pa yung work ko. Hindi nga talaga ako nag-e-entertain ng manliligaw.
SUNSHINE GARCIA
Would you actually go for a Kurimaw or Chihuahua Boy?
Wala namang problema kung fan ka lang. Basta mabait siya at nasa kanya yung mga katangian na hinahanap ko sa isang lalaki. Kung may magustuhan ako na Kurimaw o Chihuahua, wala na akong magagawa dun, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko.
What kind of body type do you find attractive in a guy?
Ayoko sa ma-pandesal masyado. Gusto ko yung tama lang ang katawan, yung papa talaga! Pero kung papipiliin ako sa sobrang taba o sa sobrang payat, dun na lang sa sobrang payat—kasi baka mahirapan lang ako sa mataba kasi ang payat ko!
CYNTHIA YAPCHINCO
What do you think is your best physical asset?
Everyone says it’s my shoulders. Ang broad daw kasi, tipong parang pang-swimmer kahit hindi naman talaga ako swimmer.
Are you open to a same-sex relationship?
Pwede rin! Ha ha ha! Kasi pag girl mas alam niya yung mga pangangailangan ko, mas maiintindihan ako, and some people say mas mahaba ang pasensya ng mga tibo when it comes to relationships.
JACQUE ESTEVEZ
You play a contrabida in Daisy Siete. Are you that way in real life, too?
Oh, no. My personality is very, very far from my role. Even when I get mad, actually I don’t get mad. When I get mad I just cry. It happens when I notice na pinag-uusapan talaga nila ako behind my back o iniinsulto ako. Nalulungkot ako rather than nagagalit.
Is anyone courting you now?
Yeah, pero I want to be honest to my mom and I want to go for my career first. Gusto ko talaga pag nagka-boyfriend ako alam talaga ng mom ko. Kaya nga ang hirap when I turn down my suitors. Pero kung makakahintay siya talaga sa akin, di mahal niya talaga ako.
AIRA BERMUDEZ
How’s the lovelife?
Nagka-boyfriend ako before pero hindi nagwork kasi kinailangan kong pumili between boyfriend and yung career ko. Pinili ko yung career ko. Mga one year na rin akong single. Pero hindi naman ako naghahanap. Huwag na muna ngayon, breadwinner kasi ako sa amin so priority ko muna family ko.
Aren’t you scared of getting left behind by the love boat?
Hindi. Marami pa kasi akong pangarap sa buhay, Marriage can wait. Pagtanda ko, kung may darating, bakit hindi?





Comments