tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Shares
Share Tweet 0 Comments

INTERVIEW: Rian G. Hernandez
PHOTOGRAPHY: Ocs Alvarez 

Adamson Falcons, 1990-1993

How did you become a Falcon?
Na-scout ako ng father ni Alvin Patrimonio back in my province kasi kababayan ko sila. Yung family kasi ni Alvin at family ko parehong taga-Koronadal City. Kinuha niya ako in 1990 after I graduated from high school.

What made your college basketball career unforgettable?
Natatandaan ko na yung best year ko sa UAAP was nung 1993. Nag-aaverage ako ng close to 35 to 36 points per game. And then madali lang sa akin ang triple-double noon. Yun yung peak ng college days ko. Kaya rin siguro ako napansin ng PBA dahil sa mga nagawa ko sa UAAP. Tsaka mga two or three times akong nag-Mythical Five sa UAAP.

Did you ever get pissed off with hecklers from other schools?
Natatandaan ko nung 1991, may hinabol si Marlou [Aquino] na estudyante na taga-FEU. Napikon si Marlou kasi kung ano-ano sinasabi, kaya hinabol niya. Yun yung kasarapan ng UAAP. Ngayon yung mga players behaved na kasi stiff yung penalties pero dati hindi.

What do you miss the most about collegiate basketball?
Namimiss ko yung pagkakaibigan doon sa mga teammates mo, how close you were nung college days. Sa hirap niyo, wala kayong kinikita, wala kayong pera, basta’t practice lang sama-sama kayo kahit saan kayo makarating. Kahit saan kami makarating, ambag-ambag kami dahil wala kaming pera. At isa pang nakakamiss siyempre yung crowd, yung mga students na grabe ang support sa iyo. Hanggang ngayon nga, may lalalapit sa ‘yo at sasabihin, “Pare, taga-Adamson din ako!”

How does it feel being identified as one of the finest collegiate players in the Philippines?
To be included in this list is a very tremendous achievement. Napabilang na rin ako sa 25 Greatest Players ng PBA and 15 Greatest Players ng PBL, then right now ito, wow grand slam, ha ha. Kumbaga kung para sa iyo, para sa iyo. Hindi porket magaling ka darating sa iyo, eh. Kailangan may na-prove ka at may impact ka dun sa pinanggalingan mo.

COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES