tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Aug 21, 2012
Shares
Share Tweet 0 Comments

Sabihin nating isa kang lalaking may bagong bahay, apartment, o condo at sa kabutihang-palad ay may ipon ka ring pera kahit papaano. Sabihin na rin nating ikaw ay single kaya ang perang naipundar mo ay para sa'yo lang. Tapos naisip mong gusto mong gawing magara ang tirahan mo, yung tipong kayang pahangain ng matindi ang mga bisita mo.

Paano? Pwede mong papinturahan ito ng iba't-ibang kulay linggo-linggo o kumuha ka ng sarili mong butler. Pero, para sa amin, isang siguradong paraan para tawaging astig ang iyong bahay ay bihisan ito ng mga gadgets na hindi lang maganda kundi angkop din sa iba’t ibang sulok nito. Tignan ang mga likha ng teknolohiyang sa ibaba na nagpapatunay sa kasabihang, “Boys love their toys.” Malay mo, baka dahil sa mga ito laging bumisita na yung chick na gusto mo.

Para sa sala (living room)

Ang sala ang masasabing sentro ng entertainment sa isang bahay. Dito madalas nakikita ang TV, DVD player, atbp. Kung sawa ka na sa mga ito, nandito ang ilang gadgets na pwede mong isama para gawing kaaya-aya ang iyong sala.

Samsung Smart TV ES8000


Ito’y isa sa mga pinakamakabagong TV ngayon. Dala ng kanyang 55-inch na display, ang Samsung Smart TV ang nagbibigay ng klarong-klaro at maliwanag na imahe sa manonood. At bukod pa sa hinganteng laki nito, pwede ka ding mag-internet, mag-download, at manood ng kahit na anong palabas na nasa 3D format. Bonus pa ang camera nito! Hayup, di ba?

Presyo: P279,000
Bilhin sa: Samsung retailers at gadget shops

LG 3D TV Home Theatre System

Maganda nga ang TV mo pero olats naman ang tunog. Di ba mas maganda kung mapapa-wow ka rin sa sound system mo? Heto ang LG 3D TV Home Theatre. Ito'y may dalang matinding bass at surround sound na parang dinadala ka sa gitna ng kahit na anong aksyong pinapanood mo – mapa-pelikula man yan ni FPJ, Stallone, o Tori Black. At may Blu-ray set din ito na kayang mag-play ng 3D movies!

Presyo: P14,990
Bilhin sa: LG Electronics stores, Abenson

Lazy boy

At para ma-enjoy mo ang matinding entertainment value ng sala mo, gumamit ng lazyboy chair. Ano 'to kamo? Sabihin na nating bukod sa malambot ito at pang-bossing ang appeal, pwede din itong humaba nang kasing haba ng kama, para talagang chilax ka.

Presyo: P37,000 – P40,000
Bilhin sa: Blims, Abenson

NEXT: Para sa kuwarto o bedroom


WORDS BY NEPS FIRMALAN
COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES