tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Aug 21, 2012
Shares
Share Tweet 0 Comments

Ika-21 ng Agosto ang petsa ngayon, kalagitnaan ng Buwan Ng Wika. Ito ang dahilan kaya nakalathala ang ilang parte ng ating World Ender (Kagunawan ng Mundo) sa wikang Filipino. Anim na buwan mula sa araw na ito, magugunaw ang mundo. Base sa mga pangyayari nitong mga nakaraang linggo hindi lindol, bulalakaw o zombie ang magdudulot ng ating pagka-tigok. Baha ang tatapos sa atin. Kasalukuyang masumpungin si Inang Kalikasan, at malas lang natin na tayo ang napagbubuntungan nito sa pamamagitan ng pagpapadala sa atin ng mga ulang walang katumbas ang hagupit.

Ano ang ating magagawa? Naisip naming mag-tirik ng isang higanteng payong na sasakop sa buong bansa, ngunit sa muling pagmumuni ay natauhan kami. Sino ba naman ang nag-iisip ng ganoong klaseng plano?

Kaya naman minabuti naming mag-isip ng mga bagay na mas makakabuti sa aming kapwa. Tulad nalang ng pag-iisip ng paraan para mas maging mabuting boyfriend, o magsubok matutong magsayaw bago pa magunaw ang mundo.

Sa hinahaba-haba man daw ng prusisyon sa simbahan rin ang tuloy. Yun ay kung hindi ka malihis at makalimutan kung paano maging marapat na kasintahan. Minsan sa tagal ng pagsasama may mga bagay ka nang nakakalimutang gawin. Kaya hayaan ninyo kaming paalalahan kayo! I-click ang link na 'to.

Isa sa mga dahilan kaya mo inaayos ang sarili mo ay para makuha ang babae na iyong pinapangarap. Kung sa gayon, bakit hindi sila ang ating tanungin kung ano nga ba ang dapat nating inaayos sa ating mga sarili? Nagtungo kami sa Philippine International Motor Show at nangulit ng mga car show babes upang makuha ang kasagutan. I-click ang link na 'to.

                                                                        
Malamang nabasa niyo na ang pangalang Ronjay Eduvas sa website na ito. Siya ay ang aming web producer at siya rin ang naghahanap ng mga modelong babae na gustong-gusto niyong tinitingnan habang walang nakatingin. Mahilig siya magsayaw kahit na walang hilig ang pagsasayaw sa kanya. Ang aming solusyon: humanap ng magtuturo sa kanya. Panoorin ang video at tingnan kung ano nga ba ang natutunan niya!

Simple lang naman ang nakakapagpasaya sa isang lalaki. Kasama na riyan ang limpak limpak na pera, kotseng top-down, ticket para sa taunang 100 Sexiest Party, at ang paminsan-minsang pag-inom. Heto ang isa pa: isang high-tech na bahay. I-click ang link na 'to at buksan ang mga mata sa mga kagamitang pang-bahay ng tunay na lalake!

READ MORE ARTICLES ABOUT
COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES