tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Jan 2, 2012
Shares
Share Tweet 0 Comments

We’ve all heard this ill-fated theory before: a dream voice do not necessarily equate to a dream girl. The gift of a golden voice not translating to the endowment of Aphrodite-like beauty. Those who sound smooth and suave as hell usually turn out to be quite the opposite. To put it bluntly: kapag maganda ang boses, panget daw sa personal. What!

Said theory, obviously, is pure bull. And you’d think so too, should you glaze upon DJ Megan, 93.9 iFM’s resident darling and FHM Online Babe for the month of January. Heaven knows how much we wish you could listen to our babe interview first hand, just to hear how much of a charm angel Megan actually sounds. (And you can! Her weekday noontime show runs from 12 noon to 3pm on iFM.)

Yet the tipping point of this tale is about how hot Megan actually is. She’s got her own bubbly expressions, girl-next-door lure, and humble, flattering curves. Her beauty makes us want to be any of the following right off the bat: be her boyfriend, or suitor, or stalker, or avid listener. She'd prefer the latter.

Here's a proven theory: DJ Megan is a dream come true.

So you’re an iFM DJ!
I’ve been a DJ for more than a year already. This is actually my first job after I graduated from college. I have a radio show kapag tanghali, 12 noon hanggang 3pm everyday.

How did you come across this profession?
After graduating may nagsabi sa akin na naghahanap sila ng DJ sa iFM, may audition. So sinubukan ko dahil naghahanap din ako ng trabaho. Ang swerte, after a week I got a callback and I trained for one month. After that tuloy-tuloy na, I went on the air as DJ Megandang Megan!

Are you as chatty in real life as you are on the show?
Actually, hindi. Nagtataka nga lahat ng mga kaibigan ko, hindi naman daw ang natural na madaldal dati. Siguro feeling ko may magic lang talaga kapag naka-on na ang mic, magiging hyper ka na din. Iniisip ko din naman kung ano mga sinasabi ko on air.

Most DJs make up their on-air voice. What’s yours?
Ang radio voice ko ito lang din! Wala din namang pinagkaiba talaga – ito din ang boses ko, ito din ang pangalan ko sa totoong buhay. Personality-wise, yun din naman!

Kapag maganda ang boses, panget daw sa personal. Do you believe that crap?
Siguro kasi hindi maganda ang boses ko sa radyo, ha-ha! Baka nagkataon lang yun, pero yung mga DJs namin sa iFM, magaganda naman talaga. Kapag nakita mo kaming mga iFM darlings, kami na ang buhay na patotoo na hindi totoo yun!

Tone of voice – is it a factor in what you look for in a man?
Ang gusto ko kasi sa lalake, musically-inclined. Either tumutugtog or kumakanta. Pero kung maganda at modulated na boses, okay lang naman kahit hindi. Pero huwag naman yung boses palaka di ba?

How about on a physical note?
Gusto ko naman ng matangkad, medyo buff at maganda ang arms para kapag niyayakap ka di ba? Parang Dingdong Dantes o Sam Milby, mga ganyan. In other words, panaginip! Ha-ha!

And what do men always notice about you in return?
Siguro my eyes. Kasi marami nagsasabi sa akin na sa mata ko daw nila nakikita kung masayang masaya o malungkot ako. Kasi hindi naman ako ma-share na tao, so nalalaman daw nila sa mata. Wala akong naitatago kapag sa mata nakatingin.

How do you keep your emotions in check when doing a show?
Doon mo makikita yung pagiging professional ng isang DJ, kasi kailangan mo siya ihiwalay. Kahit anong pinagdadaanan mo hindi mo pwedeng ipahalata sa mga listeners mo. Hindi kasi pwedeng malungkot sila tapos lalo mo pa silang pinapalungkot di ba? I guess it’s just mind over matter.

Being an iFM DJ requires a knack for comical punchlines. Are you a natural?
Natural na lang din at some point, kasi way back in college mga kasama ko mga bakla, mga hyper na tao, so nakukuha ko na din. Ganun din sila lahat sa station. Pareho na din kami lahat ng humor. It helps din kapag observant ka sa paligid, para meron kang masabi on-air.

What’s the most rewarding thing about your job?
Kapag may dumadalaw na lang sa station, sinasabi nila sa akin na nakikinig sila palagi, mga ganun. Kahit simpleng post lang sa Facebook, kahit minsan nambobola na lang para batiin mo. At least rewarding pa din siya at some point kahit nakakapagod siya minsan.

The DJ Megan Fans Club should soon grow exponentially. You’re one of the cutest DJs out there!
Marami ngang nagsasabi, ha-ha! Ang kapal ng mukha! Pero ang ganda naman nasa isip lang. Kung feeling mo maganda ka, it’s good. It’s just attitude, same with being sexy. Kung paano mo lang dalhin ang sarili mo. Confidence lang!

Still, you must have at least a few insecurities, right?
Well, sana mas matangkad ako. Kung pwede kong iparetoke ang kahit ano sa katawan ko, siguro magpapadagdag ako ng tuhod, kasi 5”3’ lang ako eh. Sana kahit mga 6” siguro. Mahihirapan ako makahanap ng boyfriend, ha-ha!

Say, you’re looking for one. How would you approach the guy?
Mas sinusupladahan ko, kasi mas may effect yun para sa akin. Kapag masyado kang papansin, parang masyado namang give away. Konting suplada – you’re there and then mawawala ka.

And how would you want them to approach you?
Since nagsu-suplada ako sa mga gusto ko, mas gusto ko yung hindi sobrang into me. Just be funny, and asarin mo ako. I like guys who can make me laugh.

We sure hope you’re not as suplada once you become our girlfriend.
Malambing ako as a girlfriend. I make sure na nandiyan ako palagi. Ang girlfriend naman pwede din maging best friend – kausap, kasama, chaperone, ka-telebabad, textmate, ka-chat, assistant. Lahat!

Self-deprecation! We love how you’re not like our quintessential babe prototype.
Confidence lang! Siguro I can make people wonder if I have sex appeal or I’m the cute one. Cutest babe ever, ha-ha! Masyadong cute. Bunsong kapatid, ha-ha!

So sa tingin mo, saan ka mas lamang sa kanila?
Kayo na nakakakita, sa tingin niyo ba may sex appeal ako? Binabalik ko ang tanong! Ha-ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INTERVIEW: MIKEY AGULTO
PHOTOGRAPHY: MITCH MAURICIO
STYLIST: DEB BERNALES
MAKE-UP: TELAY ROBLES
HAIR: PATRICK JOHN
SPECIAL THANKS TO TAT SUZARA AND SPENCER TAGUD
SHOT ON LOCATION AT SPYRTA STUDIOS, UNIT 606 GLOBE TOWER 1, PIONEER ST. MANDALUYONG CITY.
SWIMSUITS FROM SPF, ROBINSONS GALLERIA; ACCESORIES FROM KANDY TREATS; SHOES: STYLIST'S OWN

COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES