tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Aug 20, 2017
Shares
Share Tweet 0 Comments

Maaaring narinig mo na ang pangalang Mang Kanor. Kadalasang binibigkas ang pangalan niya kapag bastos at maselan na ang pinag-uusapan. Maraming kwento't mga haka-haka ang mababasa sa social media tungkol sa kanya. Ngunit sino ba talaga si Mang Kanor?

Pamilyar sa marami ang kanyang pangalan, naging sentro pa nga ito ng kontrobersiya noon nang gamitin bilang pangalan ng bagyo. May mga nagsasabi na "Jose Lito Tiongson" ang tunay na pangalan ni Mang Kanor, ngunit di kapani-paniwala ang mga pinanggalingan ng mga balitang ito. Maraming gumagamit sa kanyang pangalan para asarin ang mga kaibigang manyak, pero sa kabila nito, maliit na bahagi lamang ng kanyang kwento ang kanilang alam.

Ang mga gawi ni Mang Kanor

Pinakamalaganap na resulta kapag hinanap mo ang mga salitang "Mang Kanor" sa Google ang isang video kung saan kasama niya ang isang babaeng nagngangalang “Jill Rose.”  Halos abot sa isang orang ang haba ng video na makikitang nakikipagtalik ang lalaking kung tawagi'y Mang Kanor sa kanya nobya kunong si Jill Rose. May nagsasabi na pinangarap nilang maging porn star. May iba namang naniniwala na personal ang video at ikinalat ito ni Mang Kanor nang walang go-signal mula kay Jill Rose. Menor de edad pa raw si Jill Rose sa naturang video, dagdag naman ng iba—at di lang siya ang nabiktima na ni Mang Kanor.

May mga sitsit din hinggil sa pagkababaero ni Mang Kanor—prosti man o hindi. Naging popular siya dahil sa "scholarship" na binibigay niya diumano sa napipili niyang maging "scholar." Ayon sa mga kwento, sinisustentuhan ni Mang Kanor ang mga bata na kanilang pambayad sa tuition fee. Kapalit nito'y ang pakikipagsiping kay Mang Kanor. Walang makapagsabi kung ilan talaga ang naging "scholars" ng mama.

Iba-iba rin ang sagot sa tanong kung ano'ng trabaho ni Mang Kanor at saan niya nakukuha ang pera para sustentuhan ang kanyang mga alaga. Sabi nila, dating pulis daw si Mang Kanor na ginamit ang posisyon para yumaman at lumangoy sa luho; sabi naman ng iba'y likas na magaling na sabungero si Mang Kanor. Meron din namang nagkwekwento na bugaw talaga si Mang Kanor at pinagkakakitaan niya at ginigipit ang babaeng laki sa hirap.

Hindi kataka-taka kung malito kayo sa kung ano'ng tunay na background niya. Hati ang opinyon ng mga tao tungkol sa kanya sa pagitan ng mga doon sa mga nasusuklam sa pagkatao niya at sa mga hangal na idol ang tingin sa kanya.

Si Mang Kanor ang unang hokage

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mang Kanor ang hokage bago pa man sumikat ang terminong ito ngayong taon. Siya ang isa sa mga natatanging imahen ng matandang manyakis—ang “dirty old man,” ika nga. Sa rurok ng kanyang kasikatan, nabuo ang kulturang “TorJack,” mga tagahanga ng kanyang pang-aabuso sa kababaihan.

Mula sa pamboboso hanggang sa pagkalat ng mga video at pictures ng mga babae nang walang pahintulot, ganito ang mga palsong pag-uugaling pinamana ni Mang Kanor sa kanyang mga kampon. 

Ang totoo, bago pa man lumaganap ang “hokage” at “pastor” ay buhay na buhay na ang kulturang ito. Si Mang Kanor lamang ang naging pinakasikat, pinakamayabang, at pinakanasundan, ngunit marami na rin ang katulad niya. Mga lalaking ikinagagalak ang kanilang pang-aabuso at panlilinlang sa mga babae. Ang nakakatakot, ipinagmalaki pa niya at ng mga umiidolo sa kanya ang pakikipagtalik sa menor-de-edad.

Aktibo raw kasi dati si Mang Kanor sa internet. May mga kwento ang kakilala ng aming mga kakilala—at ang mga kakilala pa nila—na nagsasabing nakausap pa raw nila si Mang Kanor noon. Pero ngayon, bihira nang ma-ugnay ang matanda sa mga maseselang usapan at mga kaganapan. Sinubukan kayang mabuhay nang normal? Sa mga pagkakataong sumusulpot diumano ang bago niyang Facebook account, ikinakalat ito agad-agad ng kanyang mga fans sa isa't isa. Subalit sandali lang ang itinatagal nito dahil nawawala rin agad sa eksena ang kanyang account.

Gone but not forgotten

Hindi rin alam ang tunay na dahilan kung ba't biglaang nawala si Mang Kanor. Ang laganap na theory ay nahuli siya sa kung anumang krimen na kung saan siya’y sangkot. Mula sa iilang pagsulpot ng Facebook accounts niya, maaaring isipin hindi siya nabilanggo nang matagal, o kung nakulong man siya talaga. Ngunit nagdadala ng kaunting kaginhawaan ang malaman na ang kulturang kanyang pinauso ay ginagambala ang kanyang katahimikan.

May mga nagsasabing peke ang mga accounts na panaka-nakang sumusulpot sa social media dahil matagal nang namatay si Mang Kanor. Sabi ng isang kwento, namatay daw siya sa AIDS. May iba namang naniniwala na tuluyang bumigay at humina ang puso ni Mang Kanor dahil sa sobrang paggamit ng Viagra. May balita ring napatay daw siya ng ama ng isa sa kanyang mga "scholars", matapos malaman na ginipit ni Mang Kanor ang kanyang anak.

Pero ang lahat ng tanong tungkol sa totoong kinalagyan ni Mang Kanor ay tila nasagot ng Facebook page na ito.

Sa kabila ng napakaraming haka-haka at sabi-sabi, palaisipan pa rin kung totoo nga ba ang mga nagawa ni Mang Kanor at kung tuluyan na nga ba talaga siyang nawala sa mundong ito. Kung anuman ang totoo, nakakadismayang malaman na buhay na buhay pa rin ang kanyang alaala at alamat sa kanyang mga apostol ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
READ MORE ARTICLES ABOUT
COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES