tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Nov 1, 2017
Shares
Share Tweet 0 Comments

Meet "Apo." Or at least, that's what he wants to be called.

The 60-year-old family man from Marikina fixes home appliances for a living. But for those who know him better, he attends to more than faulty electrical wiring. Say, possessed bodies and haunted houses.

Apo may have not finished his education (accounting undergraduate), yet he has the ability see the unseen and explain the unexplained. The electronics technician, after all, is also a spirit healer-slash-aswang fighter.

Pop culture has painted albularyos and ermitanyos in a mysterious lightoftentimes as an elder wearing a bandana or a bearded man secluded in the forest, who eats supernatural forces for breakfast. The mystic man in front of us, though, was almost bald in a casual shirt, with a medallion around his neck.

His appearance wasn't the only thing that Apo debunked about paranormal folks during our hour-long chat...


When did you first realize that you were different from everyone else?
Mula nung binata ako. Hanggang ngayon, 33 years na kong nanggagamot bilang Apo. Ang experience ko, higit pa sa ibang albularyo. Ako ang takbuhan ng mga albularyong hindi kaya, ng mga tinanggihan ng ospital...I was seven years old, nakakakita na ko ng hindi nakikita—multo, aswang, kapre, duwende, lamanlupa. Naging bother sa'kin yun, sinabi ng nanay ko. "Yan ang hirap sa'yo, nanonood at nakikinig ka ng kababalaghan, ng mga bagay na nakakatakot." Sagot ko, "Ma, totoo ang sinasabi ko. Yun kapitbahay natin, aalis mamaya. DOA (dead on arrival)." Nangyari yun. Hindi ko mapaliwanag up to now paano ko napapagaling ang binarang, na-engkanto, na-higante. Yun ang nakikita ng mga ginamot ko. Alam mo ba ang tao, once na pinasukan ng masamang espiritu, nabubuksan ang third eye nila? Nakikita nila kung sino'ng gumagambala sa kanila.

How did you start getting involved with these kinds of paranormal activities?
Nagma-manifest yan. Pag ume-edad ka na, marami ka nang nakikita at mga tanong na hindi mo maipaliwanag. Sumasakit ang ulo, mabigat ang katawan, pero alam ko kung ano'ng nangyayari sa paligid ko. Mamamatay ’to, magkakasakit ’to, ang daming premonitions. Hanggang dumating ang Diyos na makikialam na. Ang pagiging Apo ko o manggagamot, hindi galing sa isang albularyo na namatay tapos minana ko.

So, you didn't undergo some sort of test to acquire this gift of healing?
Sabi ng ermitanyo sa'kin, "Kung gusto mong lumakas sa panggagamot, matulog ka sa sementeryo tuwing Biyernes ng siyam na araw." Ginawa ko yun. Maniwala ka, ang daming elemento na gustong nakawin ang espiritu mo. Kung talagang naniniwala ka sa Diyos, hindi ka nila kayang galawin. Mula sa Santolan, Pasig, Barangka, etc. Pumasa ko sa lahat ng pagsubok nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Was there ever any doubt that you got your ability from ungodly beings?
Maraming pag-aalinlangan. Inisip ko na ito’y isang masamang espiritu, galing sa kaluluwa, duwende, lamanlupa. Pero sabi ko, "Lord, kung ito’y galing sa inyo, give me a sign." Nagpakita siya sa'kin. At kahit sabihin ko inyo ng 1,000 times, you wouldn’t believe. Kasi ako lang ang pinakitaan eh.

Why don't you consider providing divine cure and warding off evil spirits a livelihood?
Kung gusto kong maningil sa panggagamot ko, mayaman na ako. Cancer, tinaningan, napapagaling ko. Binabayaran ako ng milyones, hindi ko tinanggap. Bakit nagungupahan ako, minsan nababaon ako sa utang? Why? Baka sa susunod hindi na ko tatanggap ng mahihirap, hindi ko na sila gagamutin. But the power within me, hindi akin. Hindi ko pwedeng angkinin, pahiram lang sa'kin. Baka bukas wala na. Trabaho ko lang sa Diyos, tulong ko lang sa tao.

Has your unorthodox treatment ever gotten the ire of medical practitioners?
Sa isang ospital sa Quezon City, merong babae dun, ang daming swero. Sabi ng nanay, "Apo, parang awa niyo na po, tingnan niyo lang yung anak ko." San ka nakakita ng nasa ICU (intensive care unit), napakalinis nung kwarto, ang babae nilabasan ng nakaraming ipis at langgam sa bibig at tenga? Nag-check yung doctor, pinahuli ako sa guwardiya, pinakulong ako. Bandang huli, tinanggalan ako ng posas, nagmano sa'kin ang mga guwardiya. Hindi daw nila akalain ako si Apo. Yung pasyente na tinapatan ko ng kamay, pinauwi. Nag-alisan lahat ng hayop, gumaling, nag-buntis pa. How would you explain that?

Do you have some sort of ritual or preparation before a healing session?
Ang paghahanda ko bilang isang manggagamot, hindi on the spot hihipo ng pasyente. Mauunahan ka ng diablo nun. Bago ka gumamot, sa gabi pa lang, 12 midnight, nakapanalangin ka na. Para kinabukasan, may tumawag man sa'yo, nakahanda ka na. 3, 6, 9, 12 [points to his watch]—yan ang mga oras ng dasal ko.

What are the most eye-opening cases in your many years as a spirit healer?
Exorcism. Akala ko nung araw, kwentong kutsero. Pero na-experience ko sa Baguio, marami nang gumamot sa kanya pero hindi napagaling. Pagdating dun, pagpasok ko pa lang, "Palayasin niyo yan!" Babae nagsasalita ng boses lalaki. "Papatayin ko ’tong pinasukan ko!" Ang sagot ko naman, "E di patayin mo, hindi ko naman kaanu-ano yan eh!"

"Sino ka?!"

"Ako ang Panginoon mong Diyos! Ako ay si Hesus! Subukan mo ko, at susubukan kita!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"WAG PO!"

Ang pagkakaalam ko, pumasok si Jesus Christ sa'kin. Napagaling ko yun, hindi nga lang documented.

Have you come across an extreme situation that even you cannot handle?
Meron akong inatrasan na pagkakita ko, hindi na kaya ng kapangyarihan ko. Yung wala nang ulo yung katawan. Sabi ko, "Tanggapin niyo na yan." Patay na, tinatawag pa koParang yung isa kong pinuntahan sa Bulacan. Pag-akyat ko sa kubo, yung bangkay may bulak na may alkohol sa ilong, tenga, tsaka sa paligid ng katawan niya. Hindi nga naman mangangamoy; that is four days! Hindi ka maniniwala, gumaling yun. Paano? Hinagis ko sa bintana, kumalabog! Paglabas ko, nagtatakbuhan yung mga kamag-anak, nagmumulto daw. San ka nakakita, hinagis ko, naglalakad sa labas? Dinukot pala ng engkanto ang kanyang espiritu.

Can you recall some of your most personal and fateful aswang encounters?
Sa Padilla (Antipolo), siya’y isang mistulang aso. Tinawagan ako ng tatay, iyak nang iyak yung bata mula tanghali hanggang hatinggabi, ang taas ng lagnat. Sinundo ako sa Cogeo Loob, pagdating ko dun, ina-aswang yung anak niya. Hindi pa ko pumapasok, sinuntok ko yung poste ng bahay nila. Makita mo may lumipad na malaking ibon galing sa bubong nila. Tapos gumaling na yung bata. Pauwi, sinundan ako nung aswang, galit nag alit. Aso siya, pero nung papatayin ko na gamit balisong na may ukit ng Latin, nagmakaawa. San ka nakakita, hubo’t hubad na babae, puro langis? Kadalasan dun puro pusa, pero nung dinakma ko naging taong mabalahibo ang katawan, matutulis ang kuko.

Once and for all, what is the difference between agimat and anting-anting?
Ang agimat at anting-anting, almost the same. Pagbigay ko sa'yo ng agimat, ano ang pamumuhay mo? Ikaw ba’y babaero? Ikaw ba’y pasaway sa magulang? Ikaw ba’y madalas sa beerhouse? Hindi tatalab yun. Akala nila, once you have the agimat, the amulets, or whatever, okay na. Walang silbi yan kung hindi kayo naniniwala kay Jesus Christ. The true power of God is within you. Believe and you will receive. Pano mo matatanggap ang kagalingan kung wala kang paniniwalaan? Pano ka makikinig kung walang magpapaliwanag? Pano ka mananampalataya sa hindi mo nakikita? Nagbibigay ako ng pangontra, yung ginagamit ng tao panlaban sa masamang espiritu, hindi ko binebenta.

Is it true evil spirits are more powerful on Good Friday and All Souls' Day?
Wag kang maniwala dun. Ang lahat ng masamang espiritu, malakas sa lahat ng araw. Ibig sabihin kung malakas sila pag Martes at Biyernes, dun ka lang magdadasal? E di pwede kang yariin niyan ng Lunes. Pero ngayong Undas, marami akong dasal at marami akong magiging pasyente. Kanina lang umaga marami na kong ginamot na kinulam eh. Anytime pwede kang tawagin ng bad spirit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Which persons are more vulnerable to being possessed by negative forces?
Ang babae madalas, kasi matatakutin, mahina ang loob. Pangalawa, yung lalaki na kontra sa mga magulang niya. Pala-sagot, pala-mura, hindi sumusunod—ikaw ang pinakamagandang instrumento nila na lumalabag sa kalooban at batas ng Diyos. Nagbibilang ka ng kamalian sa mata ng tao

 

READ MORE ARTICLES ABOUT
COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES