tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Nov 21, 2017
Shares
Share Tweet 0 Comments

Elmer Padilla is living proof that you can never underestimate the power of social media.

From earning just enough daily as a pedicab driver, the 30-year-old man from Samar is now selling each slipper action figure he creates for a couple of thousand pesos. Who would've thought that Padilla would go from risking his life underwater hunting for fish to being praised by Hollywood actors (Thor: Ragnarok) for his incredible artistry?

We've all heard his story that went viral: His family left the province to try their luck in Manila but ended up in Cavite, where he wandered and collected busted flip-flops for his hobby. Then someone uploaded photos online of him and his rubber replicas of Deadpool and Bumblebee, among other fictional characters.

'Nung walang-wala kami, lumaban ako sa boxing. Kahit walang training, magka-pera lang. Kahit natalo, nagkaroon ako ng 500,
tuwang-tuwa na ako nun'

Soon, Padilla was featured on Kapuso Mo, Jessica Soho and was taken in by Life Size Toys and Collectibles owner Jerry Santos to further hone his craft. These days, the humble blue-collar worker is being invited as guest of honor at toy and pop culture conventions.

FHM caught up with Padilla recently during a toymaking demo at Comic Odyssey in Fully Booked BGC, where he didn't only show the process, but also share the deeper story behind his now-prized creations.


What happened next after you and your works of art got noticed by hundreds of netizens?

Bigla akong binalikan nung nag-post. Sabi sa'kin, "Kuya, isang oras lang nangyari, di mo ba alam sikat ka na?" Hindi ko pinansin yun kasi hindi ko naman alam yun. Ang akin lang, natuwa ako na maraming tao [ang humanga], akala ko maraming bibili. Yun pala marami lang manonood, makiki-picture. Parang nanibago ba ako, parang nasabi ko sa sarili ko, "Sana ito na, tuluy-tuloy na kumita ako."

Why do we feel that the instant fame hasn't sinked in yet for you? What is going through your mind right now?

Mapag-isip pa rin ako sa mga nangyari sa'kin nang biglaan, sana hindi agad ako bumaba. Na hindi kaagad magsawa ang mga tao sa'kin, kasi nakakahiya. Malakas yung pag-aalala ko.

How did you start?

Nagsimula ako sa pagdo-drawing. Pero nung nag-pedicab driver ako, nanginginig yung kamay ko. Nag-isip ako ng bagong paraan para hindi mapabayaan yung arts ko. Yun, nakabuo ako ng mga characters.

Can you explain how you are able to come up with these accurate depictions without using a reference?

Maliban sa sinasabi ng marami na meron daw akong photographic memory, mahirap talagang maipaliwanag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Which is easier to do: mecha or superheroes?

Ang totoo talaga, eksperto ako pagdating sa mga robot, lalung-lalo na yung mga Transformers. Diyan talaga ako nag-focus dati, hindi ako gumagawa ng mga Hulk, Superman, o kung anu-ano, hindi ganun. Pero yung Predator, bata pa ko niyan, 13 pa lang nabuo ko na. Iba kasi ang Predator, para sa'kin madali lang.

But that looks like the hardest one to make!

May diskarte kasi sa bawat paggawa, hindi naman yan uukitin yung mukha, at saka bibig na nakabuka. Gupit-dikit lang ang sistema diyan. May sarili akong paraan.

Where did you get ideas for your new rubber robots other than Bumblebee and Co.?

Itong Voltes V, hindi ako gumagawa talaga nito, ang nag-decide si Sir Jerry. Pagdating sa Voltes V, kilala siya. Lahat ng nalalaman ni Sir Jerry, pinasa sa'kin. Nagugulat din siya, kasi gumagawa ako ng Voltes V nang walang kopyahan, kahit anong porma nagagawa ko. Pero binigyan niya ako ng magandang reference.

Differentiate that from fashioning characters that have the human form.

Pag tao, hindi ko kailangang i-rush eh. Gusto ko kasi ilabas yung tunay na pagkatao. Ito (Donald Trump) rush eh, paspasan, tinitignan kasi ako habang binubuo ko, pinalabas sa ibang bansa... Ang abangan ninyo si Duterte, paghahandaan ko yun. May upuan siya, parang nagsasalita sa Malacañang.

How strict are you when it comes to materials? Does it have to be slippers only?

Hindi lang tsinelas yung ginagamit ko, kahit anong scrap pinagko-combine ko. Kung makikita ninyo yung Bumblebee ko, halu-halo yung scrap dun, pero karamihan tsinelas. Nandun yung gulong ng laruan, bote ng mineral, mga wire na hindi na magagamit. Lalo na ngayon, ang sabi sa'kin environmental daw eh.

We're still dumbfounded that it took so long for you and your ingenuity to be given some much-deserved attention.

Isang beses, lumapit na ako sa mayor sa Samar. Sabi ko may talent po akong ganito, baka gusto ninyo po akong kunin na taga-gawa ng props o dekorasyon pag may program. Sabi niya, 'O sige, gawan mo muna ako ng sarili ko para sa birthday ko.' Sabi ng tatay ko kung capricho lang daw yung gagawin, wag na lang. 'Magmumukhang kawawa ka diyan.'

Do you remember the time(s) when you've realized that you've hit rock bottom?

Napaiyak nga ako nung nanganak yung misis ko. Walang-wala kami, lumaban ako sa boxing. Kahit walang training, magka-pera lang. Kahit natalo, nagkaroon ako ng 500, tuwang-tuwa na ako nun. Sinundan pa yun ng ginawa ko na pinaganda ko talaga ng isang araw yung paggawa ko ng character, yung Transformers: si Bumblebee at saka si Megatron, naglalaban. Binenta ko ng isang daan. Parang napaiyak ako nun sa sobrang kahirapan...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How is the family coping up with your overnight stardom?

Medyo nagkakaroon na kami ng konting budget. Ang naging problema naman namin ngayon, hindi na kami nagkakasama. Minsan dalawang linggo, ito wala na akong uwi-uwi. Dati, nung pedicab driver ako at saka mangingisda sa probinsya namin, kahit gaano ka-hirap, kahit sapat lang ang pang-kain araw-araw, okay lang sa'min yun basta magkakasama kami, masaya naman kami dun eh. Pero naisip ko nang makipagsapalaran sa Maynila, mag-construction ako dito, dahil tatanda na kami, paglaki ng mga bata lalaki walang sapat na pangangailangan.

Are there any plans of expanding your scope and forming a team of tsinelas toymakers?

Ang gusto ko nga magturo sa mga bata eh. Kung mabibigyan lang ako ng pansin ng gobyerno. Para makaiwas sila sa barkada. Yun naman talaga ang target ko: Tumulong sa mga bata na matuto silang gumawa at umukit...kung may mga willing.

What's the first thing to keep in mind for those who want to try sculpting slipper action figures?

Kailangan ang practice-in mo nang practice-in yung ulo ng character. Kasi diyan mapapansin kung nakuha mo. Sa mga sukat naman, kasi sa isip ko balance lang eh. Hindi kasi ako nakaranas gumamit ng mga panukat eh. Nahihirapan din akong ipaliwanag eh. Dire-diretso na kasi ako eh, gawa lang nang gawa.

Last question: do you have any idea how many pairs have you used?

Simula bata pa ko, libo na. Halos lahat ng mga character na nakita, nagawa ko na.


Photography Eve Baswel  Special thanks to Sandy Sansolis of Comic Odyssey, Fully Booked BGC, The Reign of the Supermen PH

 

COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES