tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Jul 27, 2017
Shares
Share Tweet 0 Comments

Are you #TeamAmpalaya? If so, you’ll love the latest from Summit Books, a hugot-fueled offering that captures what it’s like to love, to lose, to be alone, and to long for love again in 27 spoken-word monologues.

Ampalaya Monologues is a collection of 27 monologues about love, heartache, and bitterness written by Mark Ghosn and originally performed by the performance art collective Theatre in Alternative Platforms (TAP).

One of the longest-running episodic plays in the country, Ampalaya Monologues has long kept viewers captivated by straight-through-the-heart feels delivered with bald-faced honesty and biting humor. Now in book form, Ampalaya Monologues will tug at the heartstrings of readers who are bound to find comfort  in the confessional pieces’ candid, unrestrained words.

From a lover’s lament on the struggle of defining the relationship to another’s pain upon knowing that his is about to end, from the plea of a perpetually single person to that of one who’s perpetually left behind, anyone who has ever loved and lived to tell the tale will find a familiar face in Ampalaya Monologues’ 27 relatable characters.

Mark Ghosn has performed his spoken word pieces at the PETA Theater, MOA Concert Grounds, and the Cultural Center of the Philippines, among others, and is the first Filipino spoken word artist to have entered the Philippines Top 50 Playlist on Spotify with his EP #CoLove. An actor with a background in theater, he has also appeared on different TV shows on GMA-7 and TV5. Mark also writes for TV and film, and is the playwright and artistic director of TAP.

Here is a excerpt from the book:

Panata Ng Pusong Bagong Laya

Dalawang taon, isang buwan, tatlong linggo, apat na araw, at limang oras na mula nang ako’y iwan mo .

Kung saan-saan ko hinanap ang sariling kong ibinigay ko sa ’yo, na noong nawala ka’y hindi ko na alam kung saan mahahagilap. Naakyat ko na ang Sagada, nalangoy ko na ang Galera, at ngayon, sa wakas, natagpuan ko na siya. Natutuwa ako dahil ngayon, mas matatag na siyang tao kaysa noong bago ka niya nakilala.

Dalawang taon, isang buwan, tatlong linggo, apat na araw, at limang oras na mula nang ako’y iwan mo. Sindami ng sakit ang dami ng piraso ng puso kongnadurog, at isa-isa ko iyong pinulot, pinagtagpi-tagpi hanggang maging buong muli. At bagamat may peklat na at tahi, mas matibay na ito ngayon kaysa noong bago ka dumating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang taon, isang buwan, tatlong linggo, apat na araw, at limang oras na mula nang ako’y iwan mo. Daan-daang gabi akong umiyak, halos isang dagat ng luha ang nilabas ng namumugto kong mga mata. At ngayon, malinaw na ang lahat. Ang galing, para akong may suot na bagong salamin. ’Yon nga siguro ang silbi ng mga luha, ’no? Ang linisin ang mga mata ko upang makita nang malinaw na hindi nga talaga tayo para sa isa’t isa. Tama sila, hindi pala ginawa ang breakup para lang masaktan, ginawa ito upang ilayo tayo sa maling tao na akala natin ay tama.

Kaya ko na ulit mabuhay nang wala ka. Babalik na ako sa lugar na dati nating kinakainan, pero hindi na dahil nami-miss kita, masarap lang talaga ang sisig nila. Kaya ko na ring patugtugin ang kanta natin sa Spotify, pero hindi na dahil namimiss kita, masarap lang talagang makinig sa Up Dharma Down. Sasama na rin ako sa officemate kong kamukha mo, pero hindi na dahil nami-miss kita, masarap lang din talaga siya… Masarap siyang kasama. Ika-cancel ko na pala ang friend request ko at hindi na ako mag-e-effort umiwas sa mga events na “Going” ka. Kung magkakasalubong tayo, e di magkasalubong. Nangangako ako, na simula sa araw na ito, hindi ko na paliliitin ang mundo kong minsan ko nang pinaikot sa ’yo.

At huwag kang mag-alala, hindi na kita kukulitin pa. Hindi ko na bibisitahin ang Facebook mo ng alas-dos ng umaga kapag namimiss kita. Nangangako ako na hindi ko na papagurin ang mga paa ko upang habulin ang bilis ng paglimot mo.

At kung sakali mang isang araw ay magbago ang isip mo’t mapagtanto mong ako pala talaga ang mahal mo, e huwag ka nang umasa pa. Nangangako ako na kalilimutan ko ang pakiramdam, ngunit hindi ang mga alaala sa kung paano mo ako sinaktan, para kung sakali mang ika’y magbalik, siguradong hindi na ako mananabik.

Handa na rin akong lumaban at magmahal ulit. Kung inaakala mong susuko ako? Na madadala ako? Na magiging bato ako? Nagkakamali ka. Dahil pinapangako ko sa sarili kong hindi ako kailanman magsasawang magmahal muli. Kung kinakailangan kong ibigay muli ang lahat, ibibigay ko. Buong puso, buong sarili, buong mundo, ibibigay ko nang paulit-ulit, nang buong-buo. Hanggang makita ko ang tao na dahilan ng lahat—ang tama na dahilan ng lahat ng mga naging mali, ang oo na dahilan ng lahat ng hindi, ang sapagkat na sagot sa lahat ng mga bakit. Nangangako akong simula sa araw na ito, hindi ako kailanman susukong maniwala na darating din ang tadhana ko—ang tao na magiging dahilan kung bakit ngayon ay hindi na tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kung sakali mang malasin, muling madapa, at masaktan, nangangako akong simula sa araw na ito, anumang klaseng pait ang matikman ko sa pag-ibig, hindi ako tatabang, ako’y mananatiling matamis at hindi magmamaasim.

Para bang nagising ako sa isang napakatagal na pagkakahimbing. Muntik na akong masanay, at ngayon, matapos ang napakatagal na panahon, nasilayan ko nang muli ang liwanag. Ito na ang aking bagong simula. Oo, naiiyak ako, ngunit hindi na dahil sa ’yo. Naiiyak ako dahil sa tuwa, sa saya, dahil ganito pala, ’no? Ganito pala ang pakiramdam ng naka-move on na.

Dalawang taon, isang buwan, tatlong linggo, apat na araw, limang oras, at sa wakas, handa na ako.

At nangangako ako, sumusumpa sa kung sino man ang nasa itaas, na simula sa araw na ’to, burado ka na sa buhay ko. Na simula sa araw na ’to, wala ka na sa sistema ko. Na simula sa araw na ’to, hindi na ako iiyak muli ng dahil sa ’yo. Na simula sa araw na ’to, wala na akong pakialam sa presensya mo. Na simula sa araw na ’to, uunahin ko na ang sarili ko. Na simula sa araw na ’to, salamat, sa wakas, malaya nang muli ang puso ko. Malaya nang muli ang puso ko! Malaya nang muli ang puso ko!

*****

Ampalaya Monologues is now available in newsstands, bookstores, convenience stores, and supermarkets nationwide for P250.

Join the discussion and share your posts relating to Ampalaya Monologues on social media by using the hashtag ?#AmpalayaBook.

Learn more about Ampalaya Monologues by following AmpalayaMonologues on Facebook  and Instagram and @AmpalayaM on Twitter. For more information on the book’s release, follow @SummitBooks on Facebook and Twitter and @summit.books on Instagram.

COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES