tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Shares
Share Tweet 0 Comments

Still, in celebration of the Maria Cafra reunion gig last Saturday, we bring you a short interview with the entire band. It's awesome to hear that yes, the reunion isn't just a one-off! Mabuhay ang Pinoy Rock! [firstpara]
Is the reunion gig a limited affair, or is Maria Cafra back for good?

Resty: Nagbalik na talaga kami. Sa tagal ng pangungulit ng pamangkin kong si Dennis, napapayag niya din ako bumalik, sa ngayon hindi ko pa masasabi kung kailan kami maglalabas ng panibagong album, yung mga lumang kanta pa din yung tinutugtog namin kasi kababalik lang namin, pero marami akong compositions, at maraming bagong kanta, hinihintay ko lang yung pagkakataon.

And there were only three of you then—why add a new member?
Resty: Tatlo lang kami noong araw, kasi mostly we perform in concerts [with other bands] so we're limited to 4-5 songs, kaya ayus na yung gitara, bass at drums. Pero ngayon naisip namin kailangan mas busog na yung tugtugan, hindi din kasi pwedeng puro gitara lang, kulang. Kailangan namin ng keyboard player—dun na pumasok si Romy.

Romy:
Way back in the 50s, musikero na talaga ako, nagta-travel ako para tumugtog sa Vietnam, pati sa mga cruise lines nakapagtrabaho na din ako. Nung tumagal nagbukas ako ng bar, nagja-jam pa din ako paminsan, pero lately tumigil na talaga ako completely. Nung narinig ni Resty na tumigil ako, sabi ko sige subukan natin, habang gumagana pa yung daliri ko.

Why choose to come back?
Resty: Bumalik ako kasi may babalikan. Dahil hinihiling din nila na tugtugin ko yung mga songs na tinutugtog ko noong araw. Hinahanap-hanap nila. Almost 30 years din ako nawala. Yung mga fans namin na tinutugtugan ngayon, sila pa din yung dati, tumanda lang sila, pero alam pa din nila yung mga kanta. At nagpapasalamat din ako na natatandaan nila yung mga kanta ko, kung wala sila, wala siguro kaming reason para bumalik.

Rolly:
Nag-ibang bansa muna ako, ibang grupo kasama ko, pero hinahanap-hanap ko pa din yung tugtugan namin, kaya hindi na ako ganun kahirap kumbinsihin bumalik sa banda nung tinawagan ako ni Resty.

Dennis:
Nung naging bahista din ako for The Wuds, yung mga tao, pag nalaman na Fabunan ako, lagi akong tinatanong: Nasan na si Resty? So ako kinukulit ko talaga siya na bumalik na.

Why disband in the first place?
Resty:
Hindi naman talaga disband, nagkasawaan lang kami, tapos nagpunta na lang din kami sa mga sarili naming negosyo, nung tumagal, napagtapos mo na anak mo, ano pa ang gagawin mo? Sayang naman yung iniwan mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Was the return affair a lot like riding a bike?
Resty:
Parang dinaan namin sa lakas ng loob, kulang na kulang kami sa ensayo, pero napasaya pa din namin yung crowd, nakita mo naman, kumakanta sila, sumasayaw, karamihan nakatayo, nag-e-enjoy, kahit na sabihin nating mas matured na sila ngayon, na-appreciate pa din nila na parang dati. Old music. Old Songs. Old fans.


INTERVIEW BY: KHYNE PALUMAR
PHOTOS COURTESY OF MARIA CAFRA

READ MORE ARTICLES ABOUT
COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES