tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Aug 16, 2017
Shares
Share Tweet 0 Comments

Aminin man natin o hindi, sa unang pagkabasa ng synopsis, hindi na agad ganun ka-appealing panoorin ang isang G-Rated, “heartwarmingfilm tungkol sa mga pagsubok ng isang inang nagpapalaki sa kanyang anak na may down syndrome.

Ito yung tipo ng pelikula na ipapa-film viewing sa'yo ng inyong guro sa Good Morals and Right Conduct kapag tinatamad na siyang magturo. Sobrang dali lang para sa ganitong mga pelikula na isaksak yung gintong aral nila sa pagkatao mo, kaya epektibo ito sa paghulma ng kamalayan ng mga bata.

Subalit, kahit kakapintas pa lang namin sa sub-genre kung saan pwedeng ihanay ang pelikulang ito, sana panoorin pa rin ninyo ang Van Damme kasi sigurado kaming mapapasulat din kayo ng isang mahaba-habang reflection paper para ma-sort out lahat ng emotions ninyo pagkatapos mapanood ang pelikulang ito.

Hindi lang simpleng Pinoy feel-good film ang Star na Si Van Damme Stallone, isa siyang paglalahad ng karanasan na hindi pa gaanong natatalakay nang malalim sa mainstream media.

Sobrang dali sana para sa Van Damme na tumawid mula sa pagiging isang kawili-wili pero matalas na panoorin papunta sa isang tipikal at sobrang kesong Filipino filmKaya mong mabilang sa iyong mga daliri ang mga G-rated na lumabas sa mainstream media na tumatalakay sa mga issues na hinaharap ng mga taong may special needs—nakakalungkot man sabihin, sobrang babaw ng mga ito. 

Ang Budoy na siguro ang pinakasikat at nakakalungkot na halimbawa nito kung saan mas pinairal pa ang ipinipilit na mga love teams kaysa sa character development ng main cast o ng plot for that matter. Dahil sa ganitong mga klaseng palabas ang madaling napapanood ng mga tao, hindi mo rin sila masisi kung may pag-aalangan manood ng ganitong klaseng mga produksyon.

Pero ibahin natin si Van Damme Stallone. 

Kahit may mga parts na masasabing cheesy rin, buo pa rin ang kwento ng bawat taong nakapaligid sa bida nating si Vanvan. Halos lahat ng karakter na makikilala mo sa pelikula may kanya-kanyang pamamaraan ng pakikitungo kay Vanvan na sa kinalauna'y nag-e-evolve kasama ng kanilang pag-mature bilang mga tao. Ito ang isa sa mga pinakamalakas na aspeto ng pelikula.

Siyempre, may mga loko ring nakapaligid kay Vanvan. Pero kahit na medyo swabe lang ang kanilang panunukso kung ikukumpara sa garapalang panlalait na kadalasang inaabot ng mga batang may special needs sa totoong buhay, meron ding ilang eksena sa pelikula kung saan mapapaisip ka talaga kung “G-Rated pa ba ‘tong pinapanood ko? Kasi medyo nagiging dark na siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nahihiya ang pelikula na pag-usapan ang mga mas seryosong isyu katulad ng depression, family problems, poverty, parental morality (which surprisingly and disturbingly includes infanticide) na sobrang nakakabagabag ng pag-iisip at ng damdamin. Sobrang saludo kami sa pagtalakay ng Van Damme sa mga karanasang bahagi ng pagiging tao at pagiging makatao.

Pero kahit sabihin nating maraming paksa ang pinasadahan ng pelikula, linear pa rin ang narrative nito (dahil G-rated Filipino film nga) at siguradong mapupulsuhan ng mga manonood na matutupad din sa huli ang mga pangarap ni Vanvan. Pero kahit inaasahan ang mangyayari, interesado ka pa ring panoorin ang journey ni Vanvan dahil hindi siya yung karaniwang bida.

Sa pelikulang ito mo makikita na hindi iba ang taong may down syndrome o kahit anong special needs sa ibang “normal” na tao. Meron din silang sariling motibasyon at mga pangarap. Makikita mo ring akma talagang gamitin ang terminong “special needs” dahil mayroon talagang pangangailangan na hindi karaniwan ang mga taong katulad ni Vanvan.

Hindi katapusan ng mundo mo at mundo niya kapag may special needs ang anak, kaibigan, o kamag-anak mo; simula lang siya ng isang kakaibang paglalakbay sa mundong hindi man gaanong kapamilyar ay siguradong kapupulutan pa rin ng aral kung bibigyan mo lang ng pagkakataon.

 

COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES