tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Aug 18, 2011
Shares
Share Tweet 0 Comments

Nung nalaman ko na tutugtog ang Red Hot Chili Peppers sa Hong Kong nang Agosoto 9, 2011 dahil maglalabas sila ng album na pamagat ay I’m With You sa Agosto 30 (abangan niyo, hindi kayo magsisisi)–ito lang ang tumakbo sa isip ko: “P***ng ina! This will be epic!”

Kung tutuusin, bata pa ko nung sumikat ang Red Hot. Tuwing dumadayo ang aking pamilya sa dagat–dalawa lang ang pinagpipilian naming bakasyunan noon, Matabungkay o Matuod sa Batangas–laging pinapatugtog ng mga kuya at mga nakatatandang pinsan ko ang Blood, Sugar, Sex, Magic kapag kami ay magkakasama.

Dahil dito, nagsimula ang isang love affair sa pagitan ko at ng bandang masasabi kong isa sa pinakamahusay pa rin hanggang ngayon. Lalo lang ako kinilig na parang isang nililigawang dalaga nang sabihin sa akin ng Warner Music na bibigyan nila ako ng photo pass! Nakakabaliw, diba?

Bumili ako ng ticket, kaagad-agad. At pagdating ko sa lugar kung saan gaganapin yung concert, nakita ko na hindi ako nag-iisa. Ang daming Pilipinong humingi rin ng leave kay bossing, lumuwas mula Maynila para makigulo! Rakrakan na to!

                                                                     Totoo ba it o panaginip?!

Matagal na akong hindi nakakapunta sa Hong Kong. Grade 6 pa ata yung huli, at saglit lang nun. Binati ako ng matinding kaluguran; ayus ang karakter ng Hong Kong! Iba manamit ang mga tao, ang mga mall, parang galing ibang planeta. Pero, wag ka: Ang banyo ng aming tinirhan, sinlaki lang ng cubicle ko sa opisina–pwede ka jumebs at maligo ng sabay. 'Di 'to biro, ngunit hindi ko rin naman sinubukan. Maraming pinoy na papansinin ka sa tren, na parang may kababayan radar. Alam ko na sa mga pagkakataong iyon, isa itong biyaheng hindi ko makakalimutan.

                                           Hindi sinabi sa brochure na pang-duwende pala ang banyo nila.

Gabi ng concert, nagtagpo muna kami sa hotel room ng aking kapatid para lumaklak ng konti dahil ika nga ng tito kong jeprox: “Hindi kumpleto ang karanasan, kung walang kasamang inuman.”                                               
At matapos ang tagay session, pumunta na kami sa Asia World Expo kung saan ginanap ang concert. Binati kami ng napakaraming tao, karamihan sa kanila nakasuot ng t-shirt ng banda. Nagmadali akong pumunta sa booth ng Warner upang kunin ang aking Press Pass. Pagkakataon ko na 'tong makita ang mga musikerong nagpamahal sa akin ng rock and roll, at gumuho man ang mundo, pinangako ko, hindi ko ito palalampasin.

                                                                                                                            Pasensya na, nag-feeling lang akong photographer.

Matapos ang opening set ng Mars Volta–masasabi kong kakaiba din ang tugtugan ng mga ito, para silang galing ibang planeta–dumilim ang arena at nagsimula na ang hiyawan. Punong-puno ang venue. Samu’t-saring tao ang naroon: bata, matanda, Intsik, Kano at sandamukal na Pinoy. At pagkatapos ng isang matagal na pang-gigiyang, pumwesto na ang Red Hot Chili Peppers.
                                                                                                                                          Umaapaw ang mga fans, yo!

SUSUNOD: At nagsimula na nga!


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
MGA SALITA NI: ANTON D. UMALI
COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES