tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Shares
Share Tweet 0 Comments

[Ed's note: Johnny Delgado died at 1:20pm this afternoon, November 19, 2009. Cancer is the cause of his death. He was 61 years old. We are reprinting the Quote Unquote interview we've had with Mister Johnny Delgado, which appeared in the May 2004 issue. FHM condoles with the family of Johnny D.] [firstpara]
You started out with prime leading man roles. Why the shift into character acting?
At first, it was great. Magpapalit lang ako ng kurbata, iba na ka-kissing scene ko. Pero wala pang two years, ayoko na. Kumakapit na kasi sa’kin yung love for the craft. I got involved in theater, and when I returned to showbiz, I decided to become a character actor. Ayan na! Iba-iba na ginagawa ko, umiiyak na ko, umaalma na ako, nag-e-enjoy na ako.

What do you do when you’re not working?
Nagmumuni-muni! Sarap eh, libre pa! Since I was a kid, hilig ko na yan. Tapos nangyayari—mula sa pagkakaroon ng bisikleta hanggang sa Harley na gusto ko nung teenager ako. Pinagmunihan ko pa talaga ang lahat ng specifications: “Gusto ko easy-ride na knuckle-head.Pinagmunihan ko nang pinagmunihan hanggang sa na-perfect ko na yung details—pak!—andun na!

What’s this we hear about you traumatizing child stars?
(laughs) Si Nino Mulach, when he was a kid, takot na takot sa akin yan. We were in a scene and ang gusto ng director, ipasok ko si Nino sa sako tapos bibitbitin ko. Kontrabida ako eh!

Bata pa lang siya noon kaya di namin sinabi sa kanya kung ano ang gagawin ko sa eksena. Matatakot yun! So nung take, di niya alam na gagawin ko yun kaya iyak siya nang iyak! Nagka-claustrophobia yata siya, but he got over it. Recently, sabi niya sa akin, “Alam mo Tito John, for a long, long time galit na galit ako sa’yo talaga!”

How do you deal with bratty matinee idols?
Ang nangyayari kasi, parang magiging tatay-tatayan ka. When they’re misbehaving, you set an example. During rehearsals, for instance, I make sure I’ve memorized my lines. If my co-actor is still holding a script while rehearsing, sinasabi ko na lang sa assistant director na mag-rehearse pag memoryado ng lahat yung linya. Tapos tatalikuran ko sila. Eh di manginginig na yun! Next time, alam na niya ang dapat niyang gawin.

Anyone among the newbies you like?
Si Ryan Eigenmann is one of the new ones na gusto ko. Masarap ka-eksena yung artistang spontaneous, yung mga taong hindi lang yung sinasabi ng director ang ginagawa. Pag sila kasama ko, talagang lumalabas ang energy ng eksena.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INTERVIEW: JENINA ALLI
PHOTO: BEN NOLLORA

READ MORE ARTICLES ABOUT
COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES