tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Shares
Share Tweet 0 Comments

INTERVIEW: Charmaine Chanco
PHOTOGRAPHY: Alfred Mendoza

How do you prepare for a tournament as prestigious as the World Pool Championship?
It’s a long preparation. I practice hard most of the time, Nag-aaral pa ako ng iba’t-ibang technique. Siyempre pati emotion and mind tina-try ko din i-focus.

What are the advantages of setting the tourney in these parts?
Of course mas motivated ako ngayon. Since fifth time ko na ata ‘to sumali sa WPC, mas gamay ko na ‘yung laban. Pero andun pa din ang kaba. Pero since may experience na ako sa laban, malaking advantage yun sa kin. Highest rank ko sa WPC was 16th place. Malaking advantage pa ‘yung Filipino fans na magchi-cheer sakin, yung heart mo siyempre nasa game para ipanalo. Mas determined akong ipanalo etong laban para na din sa bansa natin. Ang disadvantage lang noon na nakikita ko siguro ‘yung sumablay ka sa harapan ng mga Pinoy fans. Medyo nakakahiya yun. Ha ha!

What are the chances of Pinoy pool players this WPC?
Actually, mas greater ang chances natin ngayon. Imagine mo naman kahit dati na hinohold yan sa ibang bansa puro Pinoy ang nasa final line-up. Hindi tayo nawawala sa top list. Pero since 9-Ball yan, mahirap din masigurado ang championship natin. Siyempre me halong swerte din ang game na yan, isang lucky break lang na pumasok ang 9 panalo na agad. So hindi ka makakasiguro kasi me elemento din ang tsamba dyan. Sabi nga nila bilog ang bola — walang lamang-lamang diyan.


COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES