tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Shares
Share Tweet 0 Comments

INTERVIEW: BA Borleo
PHOTOGRAPHY: Jay Tablante

You’ve been playing great this past few months, two titles in September alone.
Nagsimula lahat iyan nung World Cup of Pool kung saan sangga kami ni Django (Bustamante), kasama na rin ang country natin sa pinaglalabanan doon. Sumunod naman IPT World 8 Ball Championship, na siya na ngang me pinakamalaking premyo sa larangan ng bilyar, eto nga’t natsambahan natin. Itong huli ko namang pinanalo ay yung Asian 9 Ball Tour, apat na leg yan eh. Yung una sa Vietnam, ako ang nanalo pagkatapos sa Bangkok, ang nanalo si Ramil Gallego. Sumunod naman sa Taipei, ang nanalo dun si Rodolfo Luat, pinakahuli ito ngang sa Jakarta kung saan ako ulit nanalo.

All Filipinos!
Oo nga eh. Alam niyo itong taong ito puro Filipino talaga ang nanalo, hindi man kami masali, yung ibang kababayan natin yung nananalo, tapos puro pang malalaking tournament. Mas maganda na nga ring puro Filipino ang nananalo, pati na rin dito sa atin. Para na rin may challenge, may mga makakalaban-laban din kami dito, kesa dun sa wala, akala ng iba ako lang ang magaling, nawawalan na pati ako ng kalaro. Ha ha!

Is that an indication of what will happen in the World Pool Championships?
Ang tingin ko kasi sa World Pool Championships na ito e Filipino pa rin ang mananalo, di lang natin masisigurado kung sinong Filipino. Pero hindi pa rin natin masisigurado na puro Filipino ang makakapasok sa dulo kasi marami na ring magagaling ngayon sa buong mundo. At dahil nga nagkaroon na ng maraming tournament marami na ring kabataan na pursigidong maglaro na rin ng bilyar. Katulad na lang sa 8 ball na laro, ang mga magagaling talaga sa larong iyan ay yung mga Englishman, mga snooker player kasi yan kaya sanay sila sa planning na meron sa paglalaro ng 8 ball. Pero siyempre kahit anong galing mo balewala yung kasi minsan katalo mo talaga yung malas sa laro, lalong-lalo na kapag ang break mo e di gumagana.


COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES