tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Shares
Share Tweet 0 Comments

INTERVIEW: BA Borleo
PHOTOGRAPHY: Ocs Alvarez

It’s been exactly two years since we last talk to you. Has anything changed since that Quote Unquote interview?
Unang-una ag daming nakaalam nung paglabas ko sa FHM, hanggang sa Middle East pa nga me mga lumalapit sa akin na nakakita nung interview ko. Yung mga Filipino kasing pumupunta doon dinadala yung kopya nila ng FHM at tuwing nakikita nila ako yun agad yung naaalala nila sa akin. Nakakatuwa naman na nakadagdag yung paglabas ko sa popularity ko.

Glad to know that! We’re a few days away from the start of the World Pool Championships, how are you preparing for that?
Ginagawa ko muna yung physical conditioning muna, kasi I believe na you cannot be mentally prepared if you’re not physically fit. Lalong-lalo na dito sa larong bilyar marami nang magagaling. And aside from the titles, lumalaki na rin yung premyo kaya marami na rin nagkakainteres maglaro. Sigurado rin akong kung paano ako nageensayo e ganoon din ang paghahanda na ginagawa nila. Ang sa akin na lang e hinihigitan ko na lung yung ensayo ko.

What do you think are the chances of the quarters, semis, or even the finals, becoming an all-Filipino affair?
Mataas ang probability niyan, katulad ngayon maraming Filipino ang maglalaro pero di natin pwedeng iset aside ang mga foreign counterparts natin. Pero sa ngayon di ko muna iniisip na mag-all Filipino pagdating ng later stages, ang tinututukan ko talaga e kung paano ko mapapaganda ang performance ko ngayong World Pool.


COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES