tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Oct 26, 2017
Shares
Share Tweet 0 Comments

Earlier this month, we had Human Rights Chairperson Chito Gascon gracing the “Ask Me Anything” section of social media platform Reddit.

Now it’s Bob Ong’s turn in the hot seat, as the award-winning and celebrated author who continues to stick with his pseudonym despite having a cult following for his humorous works gets grilled.

During Thursday’s AMA, the anonymous writer found the time to answer a couple of questions, from silly to serious that ranged from politics, his works, and everything in between. Check out his replies to the Pinoy Redditor community below:


1) Does Bob Ong have ghost writers?

Q: Ano po masasabi niyo sa mga teorya na hindi lang iisang tao si 'Bob Ong' at naging brand or pseudonym na lang siya lalo sa mga huling mga libro at iba-iba na ang mga may akda nito?

A: Parang mga abandonadong lugar, automatic haunted kaagad para sa atin. Sa kawalan ng impormasyon, mabilis gumana ang imahinasyon para bumuo ng mas nakakakiliting mga teorya. Boring na katotohanan: nag-iisa lang BO, pero maraming tao sa ulo.

2) On remaining anonymous despite his fame

Q: Sa pagiging anonymous niyo po, ano po yung sa sa tingin nyo na mga instances sa career niyo na dapat naging public na lang po?

A: Yung celebrity. Nakakainggit at nakakatakam yung kasikatan ng mga kilalang tao. Balakid din yung distansya sa mga tagasubaybay at katrabaho. Pero kailangan ko lahat ito dahil hindi ko kaya at alam kong hindi para sa akin ang buhay ng isang public figure.

3) What is Bob Ong like as a president?

Q: Kung si Erap ay "Erap Para sa Mahirap",
Si PNoy na "Kung Walang Corrupt, Walang Mahirap",
at si DU30 naman ay "Tapang at Malasakit".
ano naman po kaya ang magiging Presidential Campaign Slogan ng nag-iisang Bob Ong?

A: Haha. Tumabi ang ayaw masaktan.
Sinabi ko na noon na magiging tyrant ako. Kaya hindi ako puwede maging presidente. Ang pinagkaiba ko nga lang siguro sa kasalukuyan, magiging well-rounded ako. Walang pagdidiskitahang iisang uri sa lipunan. Equal opportunity punisher. Pareho ang turing sa drug pushers at sa malakas at madalas mag-videoke.

4) The undying Sinigang or Adobo question

Q: Looks around. Wala pang nagtatanong...?
Adobo o sinigang?

A: Hmmm...kaunting-kaunti lang ang lamang ng adobo.

5) Which of his works does he want to be adapted into film?

Q: Alin sa mga libro ninyo ang gusto ninyong gawing pelikula? At bakit?

A: Alamat ng Gubat - pangarap kong gumawa ng unang Pinoy CGI a la Disney/Pixar na tatangkilikin ng buong pamilya. Dito ko nakilala si direk Avid Liongoren (Saving Sally) at nasa proseso ako ng pagpapasa ng script. Pero dahil sa penitensyang dinaanan nya sa SS, nahiya na kong hamunin sya ng isang full length Pinoy animation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan - Pag tumama ako sa lotto (kahit hindi tumataya), gusto kong patunayan na maaaring lagyan ng laman at hindi limitado sa visuals o gulatan ang epektibong paglalahad ng mga paranormal.

6) What happens when fans find out who he really is?

Q: May mga fans ka bang nalaman na ikaw si Bob Ong, kahit accidentally o intentionally?

A: Yata. But they keep it to themselves and that's how they become my friends. Remember that train scene in Spiderman where he got unmasked and the grateful people's response was "We won't tell nobody"?

7) On publishing a book about depression

Q: Maglalathala po ba kayo ng libro tungkol sa depresyon?

A: Hindi. Hindi ko alam. Pero malapit ang puso ko sa mga taong may pinagdaraanan. Hindi garantisadong kaibigan mo ako sa kasiyahan mo, pero kaibigan mo ako sa oras ng kalungkutan. May personal slogan ako na "loser-friendly." At masisilip mo yan sa tema ng mga kuwento ko.

8) All about pizza

Q: I just need to ask this. Pizza thick or thin Crust?

A: Nakakabitin ang thin. Lamang kaunti ang thick.

9) What’s his next project?

Q: Any info in your upcoming book (based on your teaser video on FB)? Like when will it be released or what is it about?

A: Teaser: "Ang librong pangmatanda para sa mga bata."
Kabaliktaran ng Alamat ng Gubat, na librong pambata para sa matatanda.
I've been wrestling with a throng of demons to finish the book early this year. You can tell I am losing. But I am still trying to make it at least in time for Christmas.
I am writing this for a whole new generation of readers. This needs to be out there. I honestly like what I have so far. It will be my thickest nonfic yet, if not thickest of all my books.

10) Discussing the country’s current situation

Q: Ano pong masasabi mo sa kalagayan ng bansa natin ngayon?

A: Malungkot. Lipas na ako sa galit(?)...hinga na lang nang malalim at sana bumilis ang mga araw at matapos na ito. (Ibang dimension e. Time space warp.)

11) His favorite international works

Q: Anu-ano ang mga paborito mong libro na sinulat ng dayuhan?

A: Yung Life of Pi pa ang huli kong nagustuhan, at yung series ng Tiny Book of Tiny Stories ni Joseph Gordon-Levitt.

12) Of course, Reddit won’t rest until they get an answer for the cheesy question

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Q: I’ll ask it na, pichi pichi with cheese or with coconut?

A: I hate pichi pichi with cheese...lalo yung sobra-sobrang cheese. They don't go together IMO. Coconut FTW!

 

READ MORE ARTICLES ABOUT
COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES