Sorry, no results were found for
FHM Chats With Ginebra San Miguel's Newest Calendar Girl, Arci Muñoz!
We talk to the Pasion de Amor actress about her drinking habits—and her most unforgettable drunken moment!
by John Paulo Aguilera | Sep 29, 2015
Most Popular

It's a damn good day for dudes all over the country as Ginebra San Miguel has just introduced its newest Calendar Girl for 2016, the sultry actress-singer Arci Muñoz!

During the launch held earlier today at the Sequoia Hotel in Quezon City attended by the press and GSM Inc. officials, 2015 GSM Calendar Girl and Pasion de Amor co-star Ellen Adarna was on hand to hand over the reins to Arci, who looked ravishing in a stunningly tight red number.

Arci—2008 Asia Supermodel Competition representative and Philia frontwoman—joins an illustrious lineup of Ginebra San Miguel Calendar Girls which includes Angelica Panganiban (2007), Anne Curtis (2011), Solenn Heussaff (2012), Georgina Wilson (2013), and Marian Rivera (2009 and 2014), among others.

The 2016 GSM Calendar features five arresting layouts, with the theme, "A Day In Her Life."

After all the other media peeps and GSMI officials have finished their interviews (and selfies) with the multi-faceted brand ambassador, FHM was lucky enough to chat with the alluring Arci, and we talked about this new milestone, her drinking habits, and even her craziest drunk moments!

Read on for the interview.


So, how does it feel that now you're literally the 'poster girl' for Ginebra San Miguel?

Very happy! Tsaka sana maging okay 'yung response ng tao sa calendar. I'm really glad 'yung team na 'to 'yung kasama ko para gawin itong calendar kasi naging komportable ako. Wala akong naging hesitation, hindi kami nag-compromise, kasi ginawa at sinunod lang nila kung ano 'yung gusto ko.

Are you aware of the previous cover girls?
Oo, nakita ko. Before namin gawin 'yung shoot, pinasyal nila ko sa office nila, pinakita nila lahat sa akin 'yung mga naka-frame (na past calendar girls) dun. Sabi ko, 'Talaga? Siya? Hala! Oh my gosh!' Tas huli pa si Len-Len (Ellen)...

What do you think sets you and your cover apart from those you've seen?
It's very unique, kasi, as you can see, most calendar shoots ginawa sa beach, sa farm. 'Yung theme nitong shoot, 'a day in the life of a girl.' So, makikita mo 'yung (layouts), sa kitchen, merong isa nasa bedroom, nagse-selfie. Alam mo 'yung kung anong ginagawa ng isang modern Filipina sa araw-araw na buhay niya, dun namin pineg 'yung shoot.

How open are you with your personal life?
Uhm, ako kasi 'yung tipo ng tao... gusto ko kasi meron pa ring mysterious side of me na hindi alam ng tao. Kaya hindi ako 'yung tipo ng artista na magpo-post palagi sa social media; hindi, hindi ako ganun.

Continue reading below ↓

But since nasa industriya ko, required akong gawin 'yun; pero 'yung mga post ko, mga simple pero may malalaman pa rin 'yung tao na tungkol sa'kin. Na, alam mo 'yun, hindi nila usually makikita sa TV, kasi kapag nasa TV ako, I have to act (in) a certain way. Hindi katulad kapag (ganito halimbawa), eto na 'yun, pero gusto ko may konting mystery pa rin.

Remember your first taste of alcohol?
Oo. Sa dad ko, tapos patakas pa 'yun. Hindi ko pa nga nagustuhan 'yung taste eh. Siguro mga 11 (ako nun). Alam mo 'yung pag bata ka, tapos very curious ka. (Sabi ko), 'Gusto kong i-try Papa eh.' Tapos papatikimin ka para lang malaman mo na hindi siya masarap...medyo mapait, nung time na 'yun. Nire-reverse (psychology) ka. So nung mga time na 'yun hindi ko siya nagustuhan. Ewan ko ba. It's the hit, definitely the hit! Ha ha!

These days, how often do you drink?
Siguro mga twice or once a week. Depende, kapag may gig or kapag may okasyon.

How can you tell if you've had one too many?
Kapag hindi ko na ma-control 'yung sarili ko (laughs), tapos I'm just having so much fun! Pero hindi, ayoko na nung uuwi ako tapos masakit na 'yung ulo ko; parang minsan lang mangyayari 'yuntapos makakatulog ka na sa banyo, parang ganun! Ayoko namang umabot sa ganun, kasi na-experience ko na 'yun eh!

Siyempre kapag medyo marami ka nang nainom, tapos uuwi ka sa bahay, diretso sa banyo, iiyak ka pa dun sa inidoro (re-enacts), ganyan! Ha ha! Nagiging emosyonal!

Was that your most unforgettable drunk moment?
Na-wheelchair ako! Sa isang hotel. Sa sobrang kalasingan! Ha ha! 'Yun 'yung pinaka-unforgettable. (Galing) forty-fourth floor nung hotel, papuntang parking. Paggising ko nasa bahay na ko, nasa kama na ko, 'yung makeup ko full pack pa, naka-black lipstick pa ako, as in! Di ko makakalimutan! Tapos sabi ko, 'Paano ako nakauwi?' Wi-neelchair daw ako, according to my sister!

Craziest thing you've said to someone while you were drunk.
Sabi ko sa isang guy sa isang party, 'Bakit 'di mo ko kiniss nung shoot natin?' May photoshoot kami sa isang magazine. Sabi niya, 'I can't, because your boyfriend's there.' 'What?! He's not here now! Kiss me! Let's just see if there's a spark!' Boom! Nawala ang amats ko! 'Uwi na ako!' Ha ha!

Your thoughts on a guy trying to hit on you by buying you a drink.
Okay lang, magpapabili ako ng isang bote...ng Ginebra! Bote ng gin!

Continue reading below ↓

You said this was your most daring project, so far. What about posing for us?
Oo, okay naman! Open naman ako! Ha ha!

Photography Majoy Siason

View other articles about:
Most Popular
Latest Stories
Most Popular