tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Jun 11, 2013
Shares
Share Tweet 0 Comments

Like they say, third time’s the charm. What made you say “yes” to another cover?
Yes, if I’m right, 2009 pa yung last. Well, I was offered another cover, so, why not! Basta observed pa rin yung limitations ko. Ha ha! Kasi lalo na ngayon may baby na ako. Maganda naman ang kinalabasan. I’m so happy.

Four years is a long time—how is this cover any different from the last one?
Unang-una mas conservative yung last cover ko. May corset, may coat pa, talagang balot. Medyo nakalabas lang yung legs ko, back ko. Yun lang. Ngayon, nakita ninyo namang medyo underwear na lang tapos two-piece. Medyo nagpakita na ako ng kaunting skin.

We’re guessing you’re a bit more confident to pull that off now. Why?
Well, bakit hindi? Ha ha! Now I can say na parang medyo fit na naman ako at naalagaan ko na naman ang body ko, so I guess heto na yung tamang oras para ma-i-share ko naman sa mga tao. Ha ha!

Perhaps your interpretation of sexy has changed as well.
Yes. Kasi now parang mas hindi na ako nahihiya, I feel more confident. Siguro kung paano ako mag-project, kung paano ako humarap sa camera nagbago ngayon. Before nahihiya talaga ako, medyo conscious ako. Hindi ako sanay na magpakita ng skin kaya medyo nahihiya talaga ako nun. Ngayon wala na talaga. Siguro sa dami ko nang nagawang pictorials na medyo sexy, I’m now more comfortable with the concept.

Other than the obvious fact that it’s four years later, what brought about this sudden maturity?
Well yun nga, I’m aging. Habang mas bata pa ako, habang medyo fit pa ako, and hindi pa ko tumatanda talaga sayang naman ang opportunity. Go lang nang go habang meron pa, di ba? Ha ha!

You’re known as an extreme sports enthusiast. Is this same “go lang nang go” mentality responsible for your taking on less “pretty” sports?
Kasi ayoko ng mga usual sports na takbo or gym lang, or yung mga ginagawa nila para pumayat. Yoga, nabo-bore ako. Parang mas gusto ko yung extreme talaga like triathlon, diving, jiu-jitsu. I also tried Muay Thai pero hindi na talaga kaya ng katawan ko, parang sobra-sobra na. Para lang maiba. Ayoko nang usual na ginagawa ng girls na yoga na pa-girl-girl. I seem to be more comfortable in these kinds of sports.

So it’s safe to conclude that you’re not the typical girly girl?
Hindi naman. Siguro mas adventurous and mas na-e-enjoy ko yung ganung klaseng sports because I get bored easily with girly sports. Ha ha!

Given that you have high standards when it comes to fun, are you hard to impress with everything else, too?
No. Mababaw lang talaga ako. I’m a simple girl. Simple lang naman ang mga gusto ko sa buhay. Yun lang, pagdating sa sports ibang usapan talaga. Gusto ko extreme.

What are your cheap thrills?
Makakain lang ako ng cake okay na ako eh! Basta makakain lang ako ng sweets, okay na, masaya na ako. Makapag-mall lang ako pwede na, happy na ako. Makapag-lunch out lang with family, okay na ako.

What is it about you that craves the adrenaline rush?
Di ko talaga alam eh. Parang bigla na lang. It started with triathlon muna, I was just running around the subdivision, tapos nakakita ako ng bike store so nag-bike ako, tapos nag-swimming ako, tapos tri na. Yung triathlon, bigla na lang siyang nangyari then all of a sudden I was competing na. Tapos sa jiujitsu naman, Patrick’s (Garcia) brother Pichon trains in it, and he asked me to try it. Dumating ako dun wala akong planong tumuloy. Dumating ako dun suot-suot ko lang T-shirt and leggings. By the next session, naka-gi [uniform] na ako. Gusto ko na siya.

It’s pretty intimidating to hang out with a pretty girl who can beat people up. What situation would bring out your tough side, and would you ever use what you know?
Hindi ako sure pero sa dami na rin ng mga sports na sinubukan ko, pwede. Siguro by the time na may manakit sa family ko or sa anak ko, ay naku talaga, di ako uurong.

Speaking of your son, how do you think he’ll react to your covers when he “comes of age”?
“Mommy, ginawa mo ba ’to?” Ha ha! Parang ang hirap-hirap bigyan ng lesson, or magbigay ng advice. Siguro sasabihin ko na lang sa kanya, kailangan hindi mo pabayaan ang sarili mo especially pag tumatanda ka na. Kailangan pa rin nating maging fit. Tingnan mo si mommy nakapag-cover pa rin kahit may baby na. Ha ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FOR JENNYLYN'S FULL INTERVIEW, GRAB THE JUNE 2013 ISSUE OF FHM! OR CLICK HERE TO DOWNLOAD A DIGITAL COPY!


Photography BJ Pascual Styling Anna Canlas Makeup Lala Flores Hair John Valle for L’Oreal Professionel
Nails Maricar Ramirez Shot on location at Aiyanar Beach and Dive Resort, Anilao, Batangas
Special thanks to Ms.Becky Aguila, Mr. Albert Robles
COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES