tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Aug 26, 2015
Shares
Share Tweet 0 Comments

Oftentimes, videos of people falling on paintings, girls twerking, and drivers committing road violations go viral. People reading a poem rarely do.

Yet this one did. On April 24, 2015, spoken word artist Juan Miguel Severo performed his poem "Ang Huling Tula Na Isusulat Ko Para Sa'Yo" at an event called "Hugot Only Please: A Talk on the Psychology of Hugot." The event was put up by an org from the University of the Philippines, UP PsychSoc, at the Palma Hall, room 400. On May 4, 2015, the video of the performance was uploaded on the org's Facebook page, where it has since garnered over 91,000 likes and 86,000 shares as of this writing.

Why was it such a big hit? Severo was honest, cutting, and displayed his emotions with huge physical gestures. In our era of #hugot, his poem about love lost, and our desperate attempts at regaining it definitely struck a chord with the online crowd.

See if it hits you right, you stone-hearted jock, you.

Ang Huling Tula na Isusulat Ko para Sa'yo

Performed by our guest speaker, Juan Miguel Severo, during UP PsychSoc's Hugot Only Please: A Talk on the Psychology of Hugot, held last April 24, 2015 in Palma Hall room 400."I change the last line from time to time and for this particular performance, the line is from the film Islands by Whammy Alcazaren."Thank you again to all those who attended! We look forward to seeing you in our future talks.

Posted by UP PsychSoc on Monday, 4 May 2015

Here, have a tissue, bro.

A Facebook user by the name of Patrick Mark Garcia Mazo has also uploaded what appears to be the actual poem in the comments section. Here it is, in its original form in the comments:

"ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO

Ang huling paalala at liham para sayo
Ayokong mangako dahil may isang salita ako
Di ko batid kung ilang pahina ng kwaderno ang mauubos ko
O di kaya’y ilang panalo sa ahedres ang itatagal ko
May isang salita ako at ito ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO

Nais kong ipaalala sa iyo at itanim sa iyong puso
Lahat ng sasabihin kong tagubilin sa iyo
Wag mo akong tawagin nang kung anu-ano sa isipan mo
Hindi ako PANINDA sa tindahang pinupuntahan mo
Na dinaraanan at binabanggit ng kung sinu-sino
At lagi mong tandaan may isang salita ako
At ito ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO

Bumalik tayo sa umpisa na kung saan ako’y ngumiti
Bumalik tayo sa umpisa na kung saan nagtanong ako kung saan ka nakatira
Nagkakamali ka sa pag aakala mo
Na wala akong nakita sa dingding mo
Nagkakamali ka sa pag aakala mo
Na di ako nabahala sa ipis na matulin
Ipis na matulin pa sa hangin
Nagkakamali ka rin sa pag aakala mo
Na hindi ko napansin ang mga aklat mong halos unan mo na rin
Ngunit paalala ko sa liham na ito
Wag kang mabuhay sa mga maling akala mo

Balikan natin ang umpisa sa yakap kong pabigla
Sa banggit kong mahalaga ka nang sabihin mong mahal kita
Sa halik sa noo dahil kaibigan lang kita
Kasalanan ko ba na ayaw kitang makitang lumuluha?
Mahalaga ka dahil kaibigan kita
Mahalaga ka dahil kaibigan lang kita

Wag mong ikumpara ang sarili sa materyal
Tulad ng salamin maging teleponong pamilyar
Tulad ng kuwintas maging ng kahong mahal
Na pinaglalagyan ng mga tinatagong liham
Isa kang tao hindi materyal
Matuto kang maging pormal

Wag mong ipilit na mahalin
Maging naisin na mahalin pa
Dahil ang tunay na pagibig ay naghihintay
Ituring mong isang tagumpay
Paumanhin kung hindi ikaw ang kape
O di kaya’y opisina sa tabi
Maging na unan na kayakap sa gabi
Hangad ko ang matuto ka
Na ang pagmamahal ay may kasamang pagpapahalaga
Dahil kung wala ang isa ay kulang na
Gaya ng kape na may tamis at pait
Gaya ng opisinang may gamit na maayos at may magulo
Gaya ng unan na may kumot upang magpainit sa iyo
Ngunit paalala ko sa iyo
Wag kang gumawa ng dahilan sa mga maling akala mo

Sinisisi ko ang sarili ko
Dahil nagbunga ng isang akala ang sinabi ko
Maging sa kilos ay mali ako
Dahil nabuhay ka sa maling akala mo
Natanggap ko ang sulat mo
Pero naiinis na ako
Dahil di ka marunong mag isip
Ang gusto mo ay mahalin ka ng pilit
Hindi kailangan ng kasunduan sa patawad
Ang kailangan ay magkusa na lumapit at magpaliwanag

Lumapit ka at ipaliliwanag ko sa iyo
Lalapit ako at pakinggan mo ang paliwanag ko
Lumapit ka at ipaliliwanag ko sa iyo
Lalapit ako at pakinggan mo ang paliwanag ko
Hihingi akong kusa ng patawad at paumanhin
Makikinig ka at iyong tatanggapin
Hihingi kang kusa ng patawad at paumanhin
Makikinig ako at aking tatanggapin

Hindi ka bumitiw dahil at hindi ako kumapit dahil
Hindi ka lumayo sapagkat at hindi ako lumapit sapagkat
Hindi ka sumuko dahil at hindi ako sumugal dahil
Hindi ka namuhi sapagkat at hindi kita minahal sapagkat
Hindi kailangan ng kasunduan ang kailangan ay magpaliwanagan
Masyado ng matagal at mahaba ang aking liham
Gaya ng aking isang salita ay ito
ANG HULING PAALALA AT LIHAM PARA SAYO

Balikan natin
Balikan natin ang umpisa
Balikan natin ang umpisa sa ngiting kaibigan
Balikan natin ang umpisa sa ngiting kaibigan at tanong kung saan ka nakatira
Balikan natin ang umpisa sa ngiting kaibigan at tanong kung saan ka nakatira kung maari pa.

Ito ang huling paalala at liham ko para sayo.

Kaibigan lang kita at sawang sawa na akong magpaliwanag sa iyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES