Sorry, no results were found for
Dennis Espino
<font size="1">The beginning of the Tigers' golden years<br /></font>
| Jun 28, 2006
Most Popular

INTERVIEW: Chrissy D. Icamina
PHOTOGRAPHY: Ocs Alvarez

UST Growling Tigers, 1990-1995

How did you become a Growling Tiger?
Nag-tryout ako sa UST. Pinaghirapan ko talaga muna. Marami kaming nag-tryout nun, mga 60 kami. Tapos ang kinuha nasa 14 lang. Since 1990, nakapaglaro ako kaagad nung 1st year college hanggang 1994. Pero nagpa-draft na ako nung 1995. Hanggang ngayon, nandito pa rin ako with my first professional team, Sta. Lucia.

Were you part of UST’s four-peat?
Hindi ko na naabutan yung four-peat, pero kami yung nakapag-sweep ng UAAP—1993 yun. Ang inabot ko yung back-to-back. MVP ako nung 1993 and 1994. Nung sweep namin, yung naunang championship na naabutan ko, Adamson ang kalaban namin. Nung back-to-back, La Salle. Naaalala ko pa nga kung sinong nagbabantay sa akin nun—sina Mark Telan.

Back-to-back MVP titles!
[Siguro naging back-to-back MVP ako] kasi yung nananalo nun, kino-consider nila yung general stats. Hindi lang naman sa points yun, kailangan may rebounds ka, assists, kumpleto dapat. Tsaka consistent ka dapat maglaro.

Who developed you as a player?
Si Aric del Rosario—sa kanya kasi ako nag-start talaga. Yung fundamentals ng paglalaro sa kanya talaga ako natuto. Nung una, dahil parati niya akong napapagalitan— eh grabe talaga siya magalit—nagdadalawang-isip ako na, ‘ba’t parati akong pinag-iinitan nito?’ But after a year, na-realize ko na kaya pala siya nagagalit, gusto niyang mag-improve ako. Kaya laking pasalamat ko sa kanya.

What’s the difference between playing in the UAAP and the PBA?
Sa UAAP, you play for pride kasi you play for your school. Sa PBA iba kasi it’s a business. And ang habol mo sa PBA yung respect ng kalaban mo, nang ibang tao, at kahit ng mga kakampi mo.

Read Next
Most Popular
Latest Stories
Most Popular