Sorry, no results were found for
The Rapture: The Real Story Behind The Rappers Of Ex Battalion
You might have some misconceptions about the ultra-popular hip hop group—but allow them to tell you who they are and what they're really all about
by John Paulo Aguilera | Jun 13, 2018
Most Popular

Before Ex Battalion ruled the airwaves and everyone memorized the chorus of their hit "Hayaan Mo Sila" (which even got Michael V's "seal of approval"), its members were basically small fishes in a big pond—the burgeoning underground hip-hop scene in Muntinlupa.

James Brando, the eldest in the group, still remembers how founding members Mark Maglasang (aka Bosx1ne) and Archie dela Cruz (aka Flow G) went from being chumps to becoming champions of rap contests. They improved so fast that they earned a rep, and anyone affiliated with then-Jekkpot Battalion were banned from joining competitions. So they changed their name to Ex Battalion, which represented a coalition of rappers who were ex-members of different groups.

Fast-forward to today and Ex B has become their own brand of Pinoy hip-hop. The traces of Western influences are apparent, but the context of their music is predominantly Filipino. Let's admit it, sometimes their lyrics can be as cheesy as any Top 40 pop song, but they're infectious and melodic. Despite the hip-hop collective having achieved massive success ("Hayaan Mo Sila" is at 51 milliom views as of writing), critics still find fault with these passionate individuals, who just want to share their craft and talent through hard-hitting verses.

You might have some misconceptions about the ultra-popular hip hop group—but allow them to tell you who they are and what they're really all about.


Bosx1ne (Mark Maglasang, 23)

Before Ex Battalion: "Taong-bahay lang talaga ko, tambay sa labas, ganun. Galing akong Cebu, tapos napunta sa Muntinlupa. Nakilala ko yung mentor ko, si Jekkpot. Tinuruan niya kong gumawa ng kanta, magsulat ng lyrics, tsaka mag-mix. Siya talaga, hanggang sa in-enhance ko na lang lahat ng natutunan ko."

What are the common misconceptions about you: "Maraming di naniniwala sa'min, kasi feeling nila di kami dumaan nang step-by-step. Hindi nila alam yung kwento sa likod ng mga pinagdaanan namin. Ayokong sabihin na ako yung bumuhat ng bangko, pero kung saan ko sila dinala at sinabihan na, 'Dapat sa ganito tayo,' siguro isa yun sa nagpatatag samin. Sinabi ko, 'Pag humarap tayo sa tao, respeto dapat.' Kahit papano naman nakikinig sila sa'kin kasi iniisip nila ako yung leader, pero sinabi ko sa kanila, 'Hindi ganun, member tayo pare-pareho.'"

Continue reading below ↓

On the RRJ x Ex Battalion collaboration: "Natuwa kami siyempre andun yung RRJ. Malaking kumpanya yan eh."

Flow G (Archie dela Cruz, 21)

Before Ex Battalion: "Sa lugar namin, marami talagang hip-hop tsaka ang hilig talaga ng mga tao dun rap. Pati ako naengganyo. Nung sinimulan ko na, nagustuhan ko, tapos pinagbuhusan ko na ng oras. Sobrang laki ng eksena kahit underground lang, na kung nandun ka sa edad na yun tapos hindi ka rapper, hindi ka in."

What are the common misconceptions about you: "Iniisip nila, jejemon, whack yung porma at music—sa'kin di naman, eto yung fashion namin eh. Tsaka hindi pwedeng mawala sa gig yung merong may suot nung porma ko dun sa nag-hit na video ('Hayaan Mo Sila'). Talagang may nanggagaya. Na ang dating sa'kin, jejemon sa mata ng mga hindi natutuwa, pero para sa'kin, kaya kong magpauso ng suot."

On the RRJ x Ex Battalion collaboration: "Bilang rapper, magkaroon ka ng endorsement na katulad ng RRJ, magdadalawang-isip ka pa ba?"

Skusta Clee (Daryl Ruiz, 22)

Before Ex Battalion: "Street magician ako dati, pero nakikinig na ko ng hip-hop, mga foreign artists tulad nila Jay-Z, Chris Brown, pati si Tyga. Tsaka hip-hop yung papa ko eh. Maliit pa lang ako, yun na ang pinapatugtog. So kinalakihan ko na na yun ang gusto kong genre. Kumakanta ako eh, hindi talaga ako nagra-rap. Pero sa sobrang hilig ko sa R&B at hip-hop, yun."

What are the common misconceptions about you: "Dini-discriminate nila yung tugtugan namin eh. Na pag sinabing Ex B, jejemon. Hindi nila alam na nilagyan lang namin ng konting taste yung hip-hop dito sa Pinas. Kasi pag sinabi mong rapper ka dito, usually underground yan eh. Admitted naman kami na galing kami dun, pero siyempre dahil foreign artist yung influence namin, sinasabi nila, 'Gaya-gaya naman yan kay Chris Brown,' which is totoo naman kasi talaga. Eh Pinoy tayo eh. Bahala sila kung anong gusto nilang isipin. Basta kami tuluy-tuloy lang, kung ano yung gusto naming gawin, as long as marami kaming napapasaya."

Continue reading below ↓

On the RRJ x Ex Battalion collaboration: "Hindi lahat ng rapper nagkakaroon ng chance na maging ambassador ng isang sikat na clothing line."

Brando (James Brando, 28)

Before Ex Battalion: "Way back early 2000s, nag-form ako ng group, yung Tunog ng Muntinlupa. Tapos nung 2004, nagsimula na kong makakuha ng ibang artists. Dati kasi, ako lang ang may studio na ganun kaganda yung quality sa lugar. Nagpupunta ko sa mga rap contest, then kinakausap ko yung organizer na isama sa prize nung champion, free recording session. Actually, mentor ako ni Rhenn, ako yung nagturong mag-rap diyan."

What are the common misconceptions about you: "Most of the bashers tsaka nung mga listeners ngayon, ang inaakala nila one-hit wonder lang yung Ex B. Akala nila mga bagong rapper lang, grupo na in-establish. Hindi nila alam from way, way back pa, before pa yung mga sikat. Yung foundation ng Ex B malalim na rin kahit papano, kasi matagal na rin naman, since 2012 naman nag-start yan. Si Rhenn, bago pa sa grupo ko nagra-rap na yan, days pa ng Salbakuta. So hindi mo rin masasabi na bagong sibol lang."

On the RRJ x Ex Battalion collaboration: "Unang-una, in line kasi sa'min yung brand and what it stands for."

Emchee Rhen (Rhenn Mangabang, 25)

Before Ex Battalion: "Galing ako sa isang malaking rap group sa south. Originally, kasama ko si James—galing kami sa Tunog ng Muntinlupa. High school ako nun, tapos college na nung nakilala ko si Mark. Na-feature ako sa mga kanta nila. Hanggang sa napasali na ako bago ako mag-graduate kasi lagi na nila kong kasama.

What are the common misconceptions about you: "Sa totoo lang, kapag hater ka, kahit anong gawin nung tao na yun, mali na agad sa'yo eh, hahanapan mo agad ng butas. Iniisip nila kung kani-kanino kami sumampa para umabot dito, hindi nila alam yung struggle bago kami nakarating sa ganitong estado. Hindi na namin nakakasama ang pamilya namin, sobrang bihira. Akala nila puro good time, mayayabang kami, pero hindi eh. Character lang namin yun sa stage, pero sa likod ng camera, mga loko-lokong kabataan din kami, ha ha! PlayStation, harutan, ganun, parang mga normal na teenager lang. Na minsan nalilimutan na naming magawa kasi sa dami ng inaasikaso."

Continue reading below ↓

On the RRJ x Ex Battalion collaboration: "Alam namin yung mga istorya ng ganyan eh, yung naloloko lang yung artist. Dito, sa collab namin with RRJ, naramdaman namin na hindi kami lolokohin."

King Badger (Jon Gutierrez, 24)

Before Ex Battalion: "Actually, viner ako eh. Pero lagi akong nakikinig sa music. Alam ko kung ano yung trend. Then nung pumutok yung Ex B, yung kanta nilang 'Kakaiba,' nagustuhan ko, so gumawa ako ng rap parody. From there, na-share ng mga members nila—yun na, parang nagkakantiyawan, 'Gawa tayo ng kanta.' But in terms of roots, lumaki ako sa UK eh. Ibang-iba talaga ako sa kanila."

What are the common misconceptions about you: "Akala nila lumaki agad yung ulo namin dahil sobrang bilis ng pag-putok ng 'Hayaan Mo Sila.' But ganun pa rin kami, we do the same stuff, kumakain pa rin sa labas, nagpapa-picture sa mga tao, wala namang nag-iba. We're just more popular now, yun lang. We still keep our feet on the ground—never kaming nag-isip na mataas kami sa kapwa."

On the RRJ x Ex Battalion collaboration: "Na-appreciate namin na, 'Eto na nga yun. Yung pinaghirapan at pinagdaanan natin dati, nagbunga na.'"


Check out the RRJ x Ex Battalion collaboration on Facebook (www.facebook.com/RRJFanPage), Instagram (https://www.instagram.com/rrjph), and RRJ's official website (www.rrj.com.ph)


Photography Eve Baswel

 

View other articles about:
Most Popular
Latest Stories
Most Popular