Sorry, no results were found for
Face to Face
<p>TV5&rsquo;s talakserye host Amy Perez on close-range combats, taking sides and hostage negotiating</p>
by Ronjay Eduvas | Nov 25, 2010
Most Popular

Are there life problems or issues that the show would rather not touch?
Well, yes, meron din naman. Hindi kami kumukuha ng mga criminal cases, hindi puwede iyong mga tipong nagsaksakan o kaya naman ay nagbarilan. [firstpara]

Ang mga issues na ganyan, hindi mo na kasi mase-settle yan ng shake hands lang, dapat diyan court intervention na talaga.

Have you ever taken one party’s side  because you sympathize with that person’s plight?
Minsan may mga sitwasyon na hindi naman sa gusto ko, pero nakikita mo naman na yun ang nakalatag na sitwasyon and kung sino ang may diperensya.

Ganunpaman, bawal na pumanig ako sa kahit kaninong partido.

But do you get affected sometimes, particularly when the situation presented is emotional?
Oo naman! Maraming times na naiiyak ako pero pinipigilan ko ang sarili ko. Meron ding times na kunwari may mga lalaking pasaway sa mga asawa nila, minsan nanggigigil ako sa kanila.

Mamersonal ba? Ha ha ha! Pero siyempre, sa gitna ng lahat, dapat balanse ka pa rin.

What’s it really like witnessing two people brawling or cursing each other at close range?
Well, honestly, siyempre nagugulat pa rin ako, hindi ba? Ang sabi ko nga, thankful na rin talaga ako dahil mabilis ang reflexes ko. Ha ha ha!

Aside from bouncers stationed in the studio, how do you beef up security among warring parties?
Before pa sila sumalang sa studio kinakapkapan na muna sila. Sabi ko nga dapat naggugupit muna rin ng kuko kasi minsan nagkakalmutan sila. Kulang na nga lang pati upuan i-screw na namin sa studio floor. Ha ha ha!

Pero pag nakita mo talaga yung galit nila, yung outrage, grabe. Well, normal naman sa ating lahat yun when confronted by a particular situation na ayaw natin o naiinis tayo, hindi ba?

Ever considered guesting feuding celebrities?
That would be interesting. Kaya lang masyado pang maraming problema ang mga kababayan natin, sila na lang muna ang unahin at pansinin natin.

There’s a running joke going around that you should’ve been the one sent to Quirino Grandstand to take over the hostage taking negotiations. Dare to take on the job?
Oo nga narinig ko yun and nabasa ko rin sa Twitter. Ang mga Pilipino talaga, isip ko, kahit hindi maganda ang sitwasyon o nangyayari, nakukuha pa ring makapagbiro.

Face to Face airs  weekdays, 10PM with replays nightly at 11AM, TV5.


WORDS BY BONG GODINEZ

View other articles about:
Most Popular
Latest Stories
Most Popular