Sorry, no results were found for
Jun Limpot
<font size="1">The Archer who was once a netter<br /></font>
| Jun 28, 2006
Most Popular

INTERVIEW: Ianne G. Hernandez
PHOTOGRAPHY: Miguel Nacianceno

La Salle Green Archers, 1989-1993

Did you ever imagine you’d get this far in basketball?
First sport ko talaga was tennis nung nasa Surigao pa ako, pero interesado na ako sa basketball nun. Nung 10 na ako, napansin ko na ako lang yung matangkad sa mga kababata ko. Pinili ko na ang basketball kasi mas maraming opportunities sa basketball. Mahal din kasi tennis, eh—bili ka ng racket, tennis balls, hire ng pulot boys. Samantalang sa basketball one ball lang ten persons na makakalaro. Tapos nabuo na yung dream kong mag-basketball.

When did you start playing ball competitively?
Na-realize ko na dream kong maglaro ng basketball when I was 13 years old. Pumunta akong Manila para mag-training sa Milo Best under Nick Jorge. After that, nakuha din ako sa 17-and-under RP Boys’ Team. At that time naglalaro na ako sa University of Manila tapos nag-stay na ako sa Manila since 4th year high school. Tapos ni-recruit na ako ng La Salle.

What were your unforgettable memories as an Archer?
Yung first championship ko sa La Salle in 1989. Dun ako unang nakatikim ng championship, eh. And yung times na na-injure ako, di mo matanggal sa isip mo yun, eh.

How intense was the competition during your time?
Di naman nawawala yung rivalry, basta nasa isang league ang La Salle at Ateneo. Kasama na rin siguro yun hype ng liga, which is very healthy din naman for the league. One time sa Ultra or Araneta nagkagulo between Rafa Dinglasan at yung isang player sa Ateneo. Talagang may suntukan, habulan, saka yung inisan ng mga fans.

You’ve proven yourself in the UAAP. What else would you like to achieve?
Nung amateur ako, almost all the championships nakuha ko na from UAAP to the PBL. Then sa PBA yung pinakanakamit ko is yung makarating ng finals. Hindi pa ako nakapag-championship in 13 years. So yun lang goal ko ngayon, makatikim man lang ng championship sa PBA.

Read Next
Most Popular
Latest Stories
Most Popular