Sorry, no results were found for

Samboy Lim

<font size="1">We speak with the real Skywalker</font><br />
| Jun 28, 2006
Most Popular

INTERVIEW: Chrissy D. Icamina
PHOTOGRAPHY: Ocs Alvarez

Letran Knights, 1981-1984

Were you always a dunker?
Nung college na lang ako natutong mag-dunk. Prinactice ko talaga kasi na-inspire ako kay Dr. Julius Erving. Napapanood ko siya sa TV kaya ginagaya ko siya at pinapractice ko talaga, day-in, day-out.

How intense was the rivalry with San Sebastian back then?
Matindi talaga yung rivalry sa San Sebastian nun. Pero masaya pa rin kasi lahat ng players all-out maglaro, yung mga estudyante nagkakagulo. Kaya masaya nung nag-champion kami against Baste nung 1984. Masaya nung nag-champion kami from 1982 to 1984, pagdaan mo ng corridor makikita mong naaappreciate ka ng mga estudyante kasi pinapalakpakan ka nila, icha-chant yung pangalan mo, tapos tatawagin kang “Idol.”

Who was your mentor?
Nung National team ako, mentor ko si Coach Ron Jacobs. Nung college si Coach Larry Albano. Pero ang idol ko noong araw si Philip Cezar.

What sacrifices did you make for the Knights?
Second year ko pa lang sa Letran team, kinukuha na ako ng National team. Nung naka-dalawang championship kami, siyempre gusto ng school naming mag-grand slam. Pero pinili ko na wag muna sumama sa National team kahit na malaking bagay na makasama dun kasi under Ron Jacobs yun. Pero nung may mission kaming maka-grand slam, ang nangibabaw sa akin yung loyalty to my alma mater.

Was it worth it?
Dilemma siya on my part. Utang na loob ko sa school yun eh, dahil siya yung nagbigay sa akin ng break. Dahil kung di ko rin naman nakuha yung break na yun, di rin naman ako makikita ni Ron Jacobs. So hindi ako nagmadali, kinausap ko si Coach Ron Jacobs na kailangan kong ma-fulfill ang grand slam for my school. So after that, kinuha pa rin ako ng National team, kaya napaganda pa yung record ko kasi naka-MVP pa ako sa NCAA. Tuloy-tuloy pa na nagchampion kami sa National team tapos eventually nag-PBA ako.

Continue reading below ↓
Read Next
Most Popular
Latest Stories
Most Popular