Sorry, no results were found for

Photographer Breathes Life Into His Action Figures Using Just A Smartphone

'Kaya tayo tumatanda kasi hindi na tayo naglalaro'
by John Paulo Aguilera | May 29, 2018
Most Popular

Thor getting wasted with Star-Lord and the rest of the Avengers and Guardians.

Ant-Man in deep thought.

Iron Man and Captain America wooing Harley Quinn.

Spider-Man playing video games with Groot.


Those are neither spoilers for the upcoming, untitled Avengers movie, nor deleted scenes from certain films of the Marvel Cinematic Universe. That is just Carlo Miguel Cuenca's imagination running wild and brought to life by his action figure collection and trusty smartphone.

Have you seen that meme of a disintegrated Spider-Man toy that became viral days after the premiere of Infinity War, which was picked up by countless social media pages, and thoughtlessly shared by online personalities like King Bach without credit? That was one of Carlo's many fictional concepts that he shared on the internet. 

While he only started sharing his unique ideas online around this time last year, the serious hobby of assembling poseable figurines, particularly Marvel characters, began as a cherished moment between a young Carlo and his father, who is an overseas Filipino worker, as a way of making the most out of their limited time together. He recalls in an interview with FHM, "Pag umuuwi siya, bonding naming maghanap ng action figures, lalo na yung mga mahirap hanapin. Nung isang beses, sobrang swerte namin, isa na lang yung kulang, tapos meron sa Robinsons Galleria. Tuwang-tuwa kami."

It helped that both of his parents are highly supportive of his interest, which fostered his appreciation for toys. "Kasi madalang akong palabasin noong bata, ang gagawin ko na lang maglaro sa bahay," he shares. "Kaya siguro parang iba yung naging pagpapahalaga ko sa mga laruan, gusto ko talagang ingatan." They even bought the first pieces of his collection, one of which was a vintage Thanos figure. Once he got older, Carlo made the transition to LEGO, but eventually went back to action figures especially when he started doing toy photography.

Continue reading below ↓

Now, the 23-year-old bank account assistant is out to prove that you don't have to be a pop culture geek, a trained and equipped lensman, knowledgeable in the latest editing software, or a five-year-old kid to have a good time with these lifeless yet lifelike molded plastics.


How hard was it to start and eventually grow your collection?

Ang hirap! Dati kasi wala pa kami masyadong connection, wala pang Facebook nun, Friendster pa lang yata. Siyempre kanya-kanyang hanap lang yan eh. Talagang magpo-point-to-point ka sa mga mall, ganyan. Hanap talaga—pag walang stock, e di wala. Kung meron, tapos ayaw ilabas, pipilitin mo, ha ha! Naadik din ako sa meetups. Ayoko nung order and deliver kasi walang kasiguraduhan. Pumupunta din ako sa mga toy convention tsaka swap meet. Heaven talaga sa mga ganun, dapat may pera ka dahil hindi ka pwedeng umuwi ng walang dala.

When did you realize that this is more than just a hobby?

Naisip ko lang yun nung pina-compute kami ng SALN, ha ha! Na-torture ako nun eh, ha ha! Simula yata 2016, malaki na, sa LEGO at action figures. Hanggang four digits lang naman yung pinakamahal, pero malapit nang lumagpas, ha ha! Hindi ko namalayan yung gastos, kasi ang tingin ko sa laruan stress reliever. Kaya kong tumagal sa isang lamesa na maraming laruan. Basta ang daming pumapasok sa isip ko, kung anu-anoKaya kahit saan ako pumunta, lagi akong may dala. Kahit isang piraso lang. Parang representative ko yung mga laruan na napuntahan ko na yung lugar.

What do you look for in a toy?

Siyempre, una pa rin yung presyo. Kadalasan kaya ako bumibili para maraming pwedeng gawin sa mga susunod na photo shoot. Dati wala pa kong magandang female action figure, kaya nandito si Harley. Ngayon mas marami nang idea na mabubuo. Hindi naman ako solid na collector, pero hindi din ako nagbebenta. Ayoko lang, kasi binili ko yun eh. Kaya ko nga binili yung isang laruan eh kasi gusto ko talaga. Ewan ko lang kung ganun mag-isip yung iba. Ilang beses na din akong nagdalawang-isip, pero babalik ka sa, 'Wala eh, kailangan kong bilhin,' ha ha!

Continue reading below ↓

Describe your thought process when coming up with these crazy concepts.

Kadalasan galing sa movies, o depende sa nararamdaman ko. Halimbawa, may Deadpool ako na malungkot. Pero nung naputol yung kamay, hindi na ko bumili ng peke, ha ha! Minsan naglalakad ka lang, nakarinig ka ng kanta (See "This Is America"-themed photo below, starring Cap and Falcon). Pwede ding trending, parang yung Infinity War series na ginagawa ko ngayon. Hindi man ako masyadong naging fan ng comcis, nung nangolekta na lang talaga kami ng tatay ko ng action figures, pero yung Cinematic Universe nasundan ko naman.

Why a smartphone, though?

Unang-una, hindi ako marunong mag-Photoshop, piZap tapos Pixart lang, yung pang-jejemon. Pero seryoso yung edit ko, hindi basta-basta. Solo muna, ilang layer, tsaka mo pagpapatung-patungin. Kasali din ako sa photo-editing Facebook group, yung GoEdit Pilipinas One. Ang maganda sa smartphone, nakakapag-picture ka kahit saan. Nasa bulsa mo lang. Fifteen-minute setup, pwede na, pero minsan depende pa din. Naka-Samsung ako nung una, tapos Huawei na ngayon, mga ilang photos pa lang yung nalalabas ko.

What makes action figures the perfect subject of real-life scenarios?

Gustung-gusto ko talaga silang kuhanan kasi walang palag eh, ha ha! Kahit ano pwede mong "ipagawa" sa mga yan eh. Kaya dapat hangga't maaari, buhay na buhay yung dating nila sa photos. Hindi yung masabi lang na nag-picture ka ng laruan. Kaya din ang dami kong stock photos sa cellphone, wala nang space. Dalawa nga yung phone ko, punung-puno na kaya araw-araw nagpo-post rin ako, ha ha! Kaya sinasabi ko sa mga gustong mag-add sa'kin sa Facebook huwag na, baka magsawa lang.

What should one consider when capturing the essence of non-living things?

Isa na yung detalye ng laruan. Lalo na yung ilaw—basta gusto ko lagi sunlight pag sa labas. Yun talaga yung gusto kong habulin kasi ang ganda ng kuha, parang buhay na buhay lagi. Ang photography naman lighting lang talaga, lalo na pag smartphone. Kasi pag SLR, kahit di na masyadong kagandahan yung ilaw, ang ayos pa rin ng kuha. Pero pag phone, importante yung natural light kaysa artificial. Malaking tulong din yung research, tapos nag-a-apply din yung rule of thirds.

Continue reading below ↓

Given the chance, how would you justify toys as a great investment?

Ang point of view ko, parang nakakalimutan na ang laruan, hindi na siya masyadong big ditoYung mga bata, puro gadgets na lang. Sa tingin ko, mas maganda pang ma-spoil ang bata sa laruan kaysa sa gadget, kasi mas marami siyang matututunan. Bata pa lang ako, gagana talaga yung utak mo sa LEGO, kahit ilang piraso lang pwede mong gawing tao o building, puro bricks lang yan ah. Sinasabi nila, 'Ang laki-laki mo na, nagla-laruan ka pa rin.' Ang sa akin naman, kaya tayo tumatanda kasi hindi na tayo naglalaro.

'Kaya tayo tumatanda kasi hindi na tayo naglalaro'

If you are to give aspiring toy collectors and photographers words of wisdom...

Kung buo talaga sa loob nila yung pangongolekta, hindi magsisisi sa huli na, 'Bakit ko 'to binili? Sana pinang-kain ko na lang,' bakit hindi? Ako kasi nangongolekta ako pero hindi ko naman napapabayaan yung ibang bagay. Balanse lang. Tsaka hindi ako para sa hilahan pababa, mas gusto ko pang matuto din yung iba. Pag may nag-chat sa'kin na nagpapaturo, iisa-isahin ko pa kung paano ginagawa. Sumali din sa toy Facebook groups, tulad ng Philippine Toy Photography Club. Dun ako madalas nagpo-post, every week may iba't ibang theme.


Check out the rest of Carlo's crazy adventures starring his action figures on Instagram via mga.munting_koleksyon

 

View other articles about:
Most Popular
Latest Stories
Most Popular