Sorry, no results were found for
VIRAL: Hilarious Save-The-Date Wedding Video Goes Behind-The-Scenes
Congratulations in advance, Bryan and Lhuvi! #FinalRevisionSoon
by John Paulo Aguilera | Jan 25, 2018
Most Popular

Who would have thought that the footage of a prenup video's conceptualization process could work as the actual prenup video?

It might sound confusing, but that's exactly what voice actor Bryan Allan Encarnacion and events writer Lhuvirizz Martin did for their save-the-date video, which already has over 410 thousand views and 3,700 shares as of writing.

Watch:

Don't be fooled by the first twenty seconds. While most couples are concerned about how to make the perfect save-the-date vid, Bryan and Lhuvi have created an honest and humorous take of what goes on behind-the-scenes.

Manong guard and a pedicab, among other raw elements, have contributed to the authenticity of the creative approach. The result is a fresh concept!

FHM got in touch with the groom and he was gracious enough to walk us through the thought process of the now-viral hit:


How did the whole thing come about?

Nung una, namomroblema kami sa paggawa ng concept kasi ang dami na naming nakitang prenup, halos lahat may mga drama-drama and all. Eh pagdating sa personal na buhay, pareho kaming hindi mahilig sa acting-acting, since nagbo-voice act na ko, siya nagsusulat—dun na kasi umiikot yung trabaho namin. Naisip niya, 'Bat kaya hindi na lang natin i-video na lang kung pano tayo gumagawa ng concept?' Hanggang sa nakapagsimula na kami ng script, naghanap kami ng production house na pwedeng gumawa, naisip namin yung Nice Print (Photography).

What was their reaction when you brought up the idea?

Okay sa kanila, parang first time daw nilang gagawa ng ganitong klase ng prenup. Kausap din namin sila nung post-processing, kasi si Lhuvi talaga medyo mabusisi sa editing dahil dati din siyang video editor bago maging writer.

Was everything impromptu or did you have a pre-prod meeting?

Nung una naisip namin pwedeng maging spontaneous pag nagsu-shoot. Kaso magiging magulo ehKinailangan talaga naming lagyan ng parang guide para magkaroon ng, 'San tayo magsisimula? Ano yung naiisip nating pag-edit ng video?' Kung mapapansin mo, hindi tapos yung video, meron siyang parang cliffhanger sa dulo. Iniisip namin kung paano siya tatapusin until now. May halo na rin siguro siyang spontaneity in a way, pero ginawan lang siya ni Lhuvi ng susundan naming linear process para di siya magulo pagdating sa video.

Continue reading below ↓

Are you going to apply the same approach on your wedding day (SDE)?

Napag-usapan namin yan kasi parang hindi talaga kami mahilig sa acting-acting. Yung yayakap, magtitinginan kayo na parang nagngingitian, lalo si Luvi, hindi niya kaya ng ganun, natatawa talaga siya. Sinubukan namin, sinubukan naming magkaroon ng ganung photo shoot, pero wala, tumatawa lang kami pareho. Kaya pagdating sa kasal, gusto namin kunan lang kung ano yung nangyayari, at wag na nating lagyan ng mga drama-drama.

Did you expect your save-the-date video to be this well-received?

Actually, sobrang doubtful kami nung una, kung ang corny ng dating. Ang balak lang talaga namin, ipapalabas siya sa kasal para makita ng mga bisita. Di naman namin in-expect na magiging sobrang public. Nagulat kami sa mga comments na parang okay pala siya.

How much of your relationship is mirrored in the prenup video?

Kung ano yung nakita niyo sa video, yun talaga kami sa totoong buhay, as in. Ewan ko, kasi nine years na kami ni Luvi ehtalagang comfortable na kami sa isa't isa, sobrang pag nag-usap kami, yung decision namin, minsan magulo, minsan maayos. Talagang as in, even if you ask our friends, yun ang sasabihin nila sa inyo, kung pano kami lumabas, ganun kaming dalawa araw-araw.

Any advice for couples who are about to film their own save-the-date videos?

Parang sa trabaho, sa buhay, sa mga kaibigan, sa pamilya, kahit saan—kung sino kami, yun yung makikita mo. Pag masaya tayo, masaya tayo, pag may problema, kakausapin ka namin, diretso. Basta maging totoo lang talaga sa sarili.

So, when's the #FinalRevision coming out?

Sa totoo lang, ang final revision namin yung kasal.

 

View other articles about:
Most Popular
Latest Stories
Most Popular