Sorry, no results were found for
Mga 'Buwan Ng Wika' Memes—Lumabas Na!
Sumakit ulo namin ng konti rito
by Emmanuel Calingacion | Aug 5, 2018
Most Popular

Dahil ngayong Agosto ay Buwan ng Wika at dahil ito ang paksa ng artikulong ito, nararapat lamang na kami'y lumayo sa nakasanayang pag-gamit ng Ingles sa aming pagsusulat at sa halip ay ilathala itong artikulong ito sa Filipino.

Ngayon, kung madalas ninyong ginagamit ang inyong mga selpon o laptap o kompyuter para magsaliksik at sumubaybay sa mga buhay ng may buhay at kung ano pa mang kasanayan ng mga pakialamero, malamang ay narinig o nakita niyo na ang mga tinatawag nilang 'memes' at ang mga gumagawa sa kanila na binansagang mga 'memelords.'

Nauuso ang mga ito bilang isang nakakatawang pagpuna sa mga maiinit na problema o isyu sa bansa at minsan sa buong mundo.

Ang kamakailan lamang na pinagdiskitahan ng mga memelords ay ang ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ito ay hango sa mga nagaganap sa ngayon at pinag-uusapan sa tinatawag nilang social media. Bukod dito, ang mga memes na inyong makikita ay mga kadalasang nararanasan ng mga estudyante tuwing sumasapit ng Agosto.

Dahil dyan, hindi na namin patatagalin pa ang inyong paghihintay, ito ang aming mga nakalap na memes na kalalabas lang tungkol sa Buwan ng Wika.

Para simulan ang katatawanan

Ipaglaban!

MORE FROM FHM.COM.PH

Mataas na antas ng pag-iisip

Paaralan pa ba?

Iba ka, pre

Bumalik pa ang loka-loka

'Yan ang totoo

Lagot ka ngayon

View other articles about:
Most Popular
Latest Stories
Most Popular