Sorry, no results were found for
Ramon Bautista Is Now A Book Author
Funnyman Ramon Bautista on his debut into book authorship, <em>Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?</em>
by Ronjay Eduvas | Nov 6, 2012
Most Popular

There seems to be nothing Ramon “Ramon Bautista” Bautista cannot do. He is an internet, TV, movies, and radio funnyman. He also says he’s quite pogi. And with the ingeniously-titled Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? Ramon Bautista has also invaded the local literary scene. Join as we pick this multi-hyphenated, riotously crazy man’s brain.

So, Ramon, what’s your most favorite book?
Urian Anthology. Edited and introduced yun by Nic Tiongson. Ang dami kong natutunan doon about Philippine cinema tsaka yung mga nababasa ko dun na-a-apply ko sa mga klase na itinuturo ko [film editing].

Well, what is it about?
Anthology ng pelikulang Pilipino, sinasalaysay niya at ina-analyze ang pelikula natin from the 1970s to the 1990s. Siguro magkaka-2000s version na rin yun soon.

Any favorite quotes from the book?
Walang quotes dun, parang textbook yun eh

Ah, okay. Now tell us about your book.
Yung buong title ng book—Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?: At Iba Pang Technique Kung Paano Makaka-Move On sa Wasak na Puso—matagal ko nang sinusulat yan. Actually, galing yan sa Formspring ko. Na-inspire akong gawin siyang libro kasi na-inspire ako sa mga kaibigan ko–si Tado at saka si Stanley Chi, nakatatawa yung mga libro nila. Sabi nila pag nagkalibro ka, iba raw yung pakiramdan at mai-immortalize ka. Kaya sinulat ko ito. At titignan ko kung di na ako mamamatay—ever.

Who did you write your book for?
Para sa lahat ng mga taong umiibig, kasi lessons tungkol sa love ito. Malalaman mo yung katotohanan sa likod ng romansa sa nobela, TV, at sine, na hindi pala happy ending lahat. Kaya dapat magpakatalino tayo at isipin na there’s more to life than love–katulad ng pag-aaral. Especially kasi ang mga readers ko madalas kabataan na umiikot ang mundo nila sa pag-ibig.

Continue reading below ↓

Is your advice based on personal experiences?
Oo, lahat yan. Marami ring based on sa experiences ng mga sumusulat sa akin—mga nawawasak ang puso, mga ganyan. Matuto tayo sa kanila. At kung di tayo natuto, matuwa tayo na at least nabigyan tayo ng wisdom or entertainment. Inspiration na rin siguro.

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo… also comes with a free notebook with your face on it. Your idea?
Oo, idea ko yung notebook na yan. Kung tingin mo yung libro walang ka-kuwenta-kuwenta, haluan mo ng freebie. Pero limited edition ang notebook na yan, at senyales din ng isang life lesson: kailangang mag-aral ng mabuti.

What other examples of excellent guidance can we find in your book?
Maraming techniques diyan sa pag-ibig, katulad ng 4 Rs of moving on—pero hindi ko na ikukuwento sa FHM kasi baka wala nang bumili ng libro ko.

Well, we can’t let you go without giving us one tip. How about telling us how to make a girl laugh?
Alamin mo muna kung gaano katalino yung babae. Kung mababaw siya, eh di mababaw ang joke. Kung matalino, mag-isip ka ng joke na matalino. When in doubt, gamitin mo na lang pagka-funny looking mo. Kung di pa rin gumana, magpalit ka na ng babae.

So if we did buy your book, what will it give us in return?
The fact na may dala kayong libro ebidensya na yun na nag-iisip kayo at matalino kayo. Iisipin ng tao na, “Tang-ina, matalino ka pala!”

INTERVIEW: ASH MAHINAY
PHOTOGRAPHY: HEIDI AQUENDE

Most Popular
Latest Stories
Most Popular