tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Shares
Share Tweet 0 Comments

INTERVIEW: JENINA ALI
PHOTOGRAPHY: XANDER ANGELES OF EDGE OF LIGHT

Say your boyish role in Click rolled off cam, speaking for the Y chromosome, who’d you hit on?

Siguro si Aubrey Miles. (giggles) Sexy, eh. Wala lang. Hot lang. Ah! And Donita Rose. Sobrang crush ko talaga dati pa. And I’ve worked with her before, sobrang maka-diyos…at ang ganda niya.

Most bogus rumor about you?
Na magpapakasal na ako! Nagulat ako, buti pa sila, alam! At isa pa, na sugar mommy daw ako! Haha! Hello, parang ganun na ako ka-desperada! At saka, kaya ba? Kaya ko bang maging sugar mommy, eh kaka-umpisa ko lang sa showbiz! Madami pa akong pinaggagastusan, bumili ako ng kotse, may bahay akong pinapagawa, at breadwinner ako sa amin.

And it would be absurd for you to shell out any cash for a guy to be with you…which takes us to: What kind of guy would it take to be with you?
Yung sobrang connect kami, yung iniisip ko pa lang, alam na niya; tipong we finish each other’s sentences. Gusto ko simple lang, down to earth, walang arte…totoong tao. Ayoko ng lalaking mas maarte pa sa akin, tipong every five minutes nagre-retouch.

You mean you’ve had more than your share of Johnny Bravos?
Oo naman! Feeling ko mas vain pa nga sila kesa sa babae. Mga tipong, “Huwag mo ngang hawakan buhok ko!” Sarap batukan!

Aside from the hair gel-obsessed, what picks on your nerves?

Mga taong mahilig magparinig. I’ll be patient about it first, but when I’ve had enough, dun na ako pipitik. First of all, kung may sama ka ng loob sa akin, sabihin mo sa akin, mag-usap tayo, ayusin natin. Hindi yung sisiraan ka pa sa ibang tao, tapos pag magkakasalubong tayo, parinig ka pa nang parinig.

Dream role?
Action star? (giggles) Parang Angelina Jolie ang dating. Tsaka idol ko kasi si Lara Croft, eh... Tomb Raider, Miss Congeniality—those are the kinds of movies I like. Yung mga roles dun walang arte, may utak, kayang-kayang protektahan ang sarili. Sobrang girl power talaga. If I were offered an action-packed project, I wouldn’t think twice. Maski wala akong stunt double, kahit patalunin mo pa ako ng building, gagawin ko!

Superhero for a day, pick a superpower.
The power to read minds! Especially because of the industry.

Bad girl for a day, pick a misdemeanor.
Hmmm…marami, eh! Haha! Um, siguro, get even! Kailangan ko kasi minsang mag-control kahit gusto ko na talagang manapak. Yun siguro yung suppressed desire ko!

You’re our first teen for 2003. What made you decide to say yes to FHM?
I was really scared at first kasi baka kailangang sobrang sexy, and under contract ako because I’m about to do a commercial, they might think magse-sexy na ako and ma-terminate yung kontrata ko. But I got to thinking, “Okay `to. Big-time `to, FHM, eh!” Naisip ko suwerte ko naman! Nagfi-feeling ako nu’n, eh; feeling ko, haba-haba ng hair ko, haha! Tapos when a friend called to tell me I was number 10 in FHM’s 100 Sexiest, sabi ko sa kanya, “Sus huwag mo nga ako paglolokohin!” Tapos nakita ko, parang, “Ano kayang nakain ng mga tao?” But of course I’m flattered kasi FHM, malaking magazine!

You aren’t afraid of cat callers after your issue comes out?

Hindi…kasi aalagaan n’yo naman ako, eh, di ba? Haha!

So how was your first shoot with FHM?
I was tense at first because first time ko talagang magsuot ng damit na ganito, maski sa totoong buhay talaga… ANG LAKAS N’YO SA AKIN! Haha! Pero naisip ko, kung gagawin ko ito, hindi na sa ibang magazine, sa FHM na kasi respetadong magazine naman ito.

What do you have to say to people who will accuse us of corrupting innocent girls like you?
Lawakan na lang nila pag-iisip nila. Hindi naman ito kabastusan, anong masama rito? Magpakatotoo na lang tayong lahat. Huwag na silang magpintas, wala naman akong pinakitang foul, eh. FHM

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES