tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Sep 22, 2010
Shares
Share Tweet 0 Comments

 

You came from taping?
Opo. Nag-start kami at 6:30 AM yesterday, natapos kami kaninang 8:30 AM. Wala pa akong tulog!

Your hours are horrendous.
Na-stress ako kagabi kasi hindi pumatak luha ko! Ang hirap pag na-pre-pressure ka na tipong, “Kailangan kong umiyak. Kailangan ko umiyak.”  Karaniwan pa naman, iyakin ako! Kahit anong kababawan nalulungkot ako. Kahit nga lang pusang nakita kong inaapi naiiyak ako. Tapos kanina inabot na kami ng 7:30 AM, hinihintay lang ako umiyak.

How did you finally get your tears dropping?
Wala talaga. Hindi na lang. Malungkot na lang mukha ko.

In your first Maalala Mo Kaya starring role, you played a very liberal woman. Does that mean you don’t mind making the first move in real life?
Modern ako pero ayoko nga! Gusto ko nililigawan ako.

Do you have a boyfriend?
Wala, career muna. Siyempre ayokong may pumigil, ayoko namang may nagwo-worry. And mas okay lang na wala. Mas madaling sabihing walang boyfriend kaysa “it’s complicated” or “we’re just friends,” di ba?

Are you easily irritated by men?
Ako kasi yung tipo nang babae na pagka-tinext ako ng lalaki, tapos alam kong nagpapa-cute siya, mas magmamatigas ako, at hindi ako re-reply. Mas lalong ayoko sa mga guys na feel na feel nilang nasa kanila na lahat. Tapos magte-text sila? Naku, lalong hindi ko re-reply-an yung mga yun.

Okay, here’s the requisite follow-up then: What do you look for in a guy?
Sabihin na nating pihikan ako sa lalaki. Number one, kailangan matangkad siya. Importante yun kasi since beauty queen ka, parati kang naka-heels, so ang pangit naman kung may boyfriend ka tapos kailangan mo pa mag-flats, masisira ang fashion mo.

Poor Pinoy guys, then.
Hindi naman. Preference lang naman ang matangkad. I also like funny men.

Yes, because you’re slowly earning a reputation of being a funny girl yourself. Does he have to be funnier than you?
Hindi, basta jive kami, why not? Gusto ko yung nakakatawang magugulat ako, na “Ay, ganyan ka pala!” Gusto ko yung makulit din, yung kalog, kakaiba at hindi takot mag-try ng iba!

 

FOR BIANCA'S FULL INTERVIEW, GRAB THE SEPTEMBER 2010 COPY OF FHM!

PHOTOGRAPHY: XANDER ANGELESOF EDGE OF LIGHT
INTERVIEW: LOU E. ALBANO
STYLING: CHARMAINE PALERMO, VANESSA JOHNSON
MAKE-UP: XENG ZULUETA
HAIR: FELICITY SON
SPECIAL THANKS TO JOJIE L. DINGCONG, JENNIFER TUPAZ OF JLD MANAGEMENT AND BJ ANG

COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES