Sorry, no results were found for

Michelle Madrigal - November 2010

<p>Celebrity Survivor castaway Michelle Madrigal turns up the heat in her sophomore FHM cover appearance, revealing why it&rsquo;s hotter the second time around</p>
by Ronjay Eduvas | Nov 17, 2010
Most Popular

How is this shoot different from your September 2007 cover appearance?
I like both shoots because they have different concepts. But back then mas bata pa ako, medyo nahihiya pa. Ngayon marami na akong roles na nagampanan na medyo sexy, so it’s easier for me now. It also helps that I’m doing this shoot with Ehra, so I’m a lot more comfortable. Everyone’s been nice, too, so walang pressure.

How’s it really like on the island in Survivor Philippines: Celebrity Showdown?
God, it was very, very hard! When [fellow castaway] Princess Snell quit, siguro sinabi niya yun yung pinakamahirap na nangyari sa buhay niya. There are many instances that you realize kung gaano kahirap talaga, but not the whole time. Like the challenges, kaya ko naman. Pero yung matulog sa damuhan nang bumabagyo, lahat naman kami hindi pa namin na-e-experience yun. Emotionally, physically, it’s a challenge. I just remind myself na konting tiis lang, kasi kaya naman, eh. But overall, it was a great experience.
 
How did you pass the time?
On days with no challenges, tambay lang talaga kami. Unlike when you’re at home, kung wala kang magawa puwede kang manood ng TV or buksan lang yung ref pag nagugutom ka. Minsan tinutulog na lang namin yung oras. Pagkatapos ninyo kumain ng hapunan, kahit mga 6PM pa lang, matutulog ka na lang talaga. Once you close your eyes, you’ll really fall asleep—unless may makukulit na lamok na mangangagat.

How was the dynamics with the TV crew?
Hindi mo sila puwedeng kausapin. Hindi ka rin nila kakausapin. Kahit humingi ka sa kanila ng pagkain, hindi ka talaga nila papansinin.

Isn’t it awkward bumping into people you didn’t really get along with on the show, especially hearing what they have to say on TV?
For me, I see the show as a game. So, kung may mapipikon sa mga sasabihin ko, talo siya. Kasi everything you do or say on the island is part of a game. Kahit naman may masabi silang negative about me habang andun kami, hindi ko pepersonalin. Especially since we’re all celebrities, we’d eventually bump into each other. So pointless na mag-hold ng grudge against each other dahil lang sa Survivor.

Despite coming from a reality show background, did you ever imagine joining Survivor?
When I watched past seasons of the US Survivor, I’d ask myself kung kaya ko. Hindi naman kasi ako sporty. But when I heard about the show, I really wanted to give it a try. Kasi ako yung klaseng tao na tsina-challenge ko talaga sarili ko kasi gusto ko parating may bago sa buhay ko. Plus, puwede ka pang manalo ng P3 million, so why not? I prepared for it by taking swimming lessons for a couple of weeks, I went to the gym almost every day, nagpalakas talaga ako kasi ayoko naman pagsali ko na ako yung pinakalampa, nakahihiya naman yun, ha ha!

Continue reading below ↓

FOR MICHELLE'S FULL INTERVIEW, GRAB THE COPY OF THE FHM NOVEMBER 2010 ISSUE!

PHOTOGRAPHY: DOC MARLON PECJO
INTERVIEW: CHRISSY ICAMINA-DALUSONG
STYLING: BEA CONSTANTINO
MAKEUP: MICKEY SEE OF SHU UEMURA
BODY MAKEUP: GRACE DEANG OF SHU UEMURA
HAIR: JOHN VALLE OF L'OREAL PROFESSIONEL, USING HAIRPIECES HAIR COLLECTION
SPECIAL THANKS TO ANNABELLE RAMA, RAYMOND GUTIERREZ AND JUN LALIN FROM ROYAL ERA ENTERTAINMENT

View other articles about:
Most Popular
Latest Stories
Most Popular