tumblr youtube spotify email website pinterest googleplus
Shares
Share Tweet 0 Comments

INTERVIEW: JENINA ALLI
PHOTOGRAPHY: RONNIE SALVACION

Are you the type of girlfriend who brings your guy food at work?
Sa sobrang busy ko, dapat ako yung binibigyan ng food. Charing! Pero pag may time, ako naman mag-aalaga sa kanya. Puede akong maging sobrang maasikaso. Sa bahay pa lang sobrang ano ako, eh, sobrang linis. Pati banyo kukuskusin ko.

What love dish would you cook for your guy?
Italian. Mga herbal ang dating. Ayoko kasi ng lalaking kung anu-ano yung kinakain (giggles). Gusto ko ng lalaking may disiplina sa katawan, kasi ako ganun, eh. Hindi ako kumakain ng masyadong oily, ng mga prito-prito, mga baboy con baboy. Kinakain ko mga salad, yogurt… Paminsan-minsan kumakain din ako ng sweets.

Some women manage depression or stress with a tub of ice cream. What do you do, then?
Hindi nga ako nakakakain, eh. Pag stressed ako nag-e-exercise ako lalo. Or I just play with my computer…ang galing ko nang mag-edit ng mga photo, mag-burn ng mga CD! Dati shopping eh, pero pag madami ka nang gamit, hindi na rin yun ang kasiyahan mo. Ngayon ang kasiyahan ko, mga teknikal na bagay. Yung mga mp3 ko nililipat ko sa iPod.

You’re turning out to be quite the gadget freak!
Oo! Ngayon! I have different digital cameras—small ones, big ones, my phone has a camera (she totes a Nokia 7650). I have an iBook, the white one. I have a Palm Cleo.

What tracks are in your iPod now?
Beautiful, Pretty Baby…yun yung mga favorite ko. Tsaka yung mga Leann Rimes, J.Lo…girly-girly ang dating. Pero meron din akong mga rap-rap diyan, R&B…kasi nga, ngayong wala na akong lovelife mahilig na ako sa mga fast songs, dehin na sa kasentihan na iyan!

Being in the biz for seven years, what was the nastiest rumor so far?
Parang linggu-linggo na lang may bagong nali-link sa akin, may bagong name. Gusto ko na ngang maningil ‘no!


Would you ever cuddle up with a hunky but sweaty guy?
Medyo irita ako sa kanya, pero hindi ko naman sasabihin. Pero lahat ng naging boyfriend ko, dahil kakaligo ko, naliligo na rin sila lagi.

You’re not daunted by the old wives’ tale of “pasma”?
Totoo ba yon? Kasi mas masama naman matulog nang puro alikabok, di ba? Feeling ko gagalisin ako. Tsaka bakit, like, sa States? Wala lang sa kanila yung naaambunan. Carry lang sila. Eh pare-parehas lang naman tayong tao di ba? Tapos dito sa atin, pag may sakit, di puwedeng maligo. So parang, naniniwala na lang ako sa gusto ko (laughs).

You also take a bath right after sex?
Oo. Before and after. Pero hindi na ako nagse-sex, eh…(laughs) Ayokong isipin yang mga sex, kawawa naman ako. Dinadaan ko na lang energy ko sa mga pictorial, taping, dancing… Sayaw na lang ako nang sayaw. Nagiging dance diva na nga raw ako, charing!

Does your boyfriend have to be as funny as you?
No. I’m not this kengkoy when I’m with my boyfriend, girl ako. Tsaka pa’no naman kami magkakaseryosohan niyan kung patawa na lang nang patawa. And it’s so tiring kung every day you make people laugh tapos pag-uwi mo, pati jowa-ers mo kailangan mong patawanin…

How do you squeeze out the comic juices on a really off day?
Pilit na pilit, acting na acting… Pero kaya ka nga artista di ba, dahil dapat carry mo kapag harap ng camera, “Go girl!” na agad, tipong alive and kicking….

When your lovelife get backs in shape, how do you plan to get the attention of a guy you’re attracted to?
Hindi ko siya pinapansin. Conscious kasi ako pag type ko ang lalaki, hindi ko carry ang chika-chika level. Hindi ko gawain ang papa-cute pa-cute pa. I believe in destiny, gan’un na ang drama ko ngayon. I believe one day love will find me! FHM

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMMENTS

LATEST STORIES

LOAD MORE STORIES